Anim na buwang sanggol, nag-water skiing sa utah
ISANG mag-asawa sa Utah ang buong pagmamalaking nagsabi na isang world record holder ang kanilang sanggol matapos nitong magawang mag-water skiing sa edad na anim na buwan at apat na araw.
Ipinost nina Casey at Mindi Humpherys ang isang video sa Instagram kung saan makikita ang kanilang anak na si Rich na nagwa-water ski sa Lake Powell.
“I went water skiing for my 6 month birthday. Appa-rently that’s a big deal... #worldrecord,” ayon sa caption na mababasa sa Instagram post.
May pag-asang kilalaning world record holder si Rich dahil ang sinasabing pinakabatang water skier ay si Auburn Absher, na unang sumabak sa nasabing sport sa edad na 6 na buwan at 10 araw.
- Latest