Ang babae sa aparador (175)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - September 18, 2020 - 12:00am

‘‘HINDI ka na kasambahay mula ngayon, Ziarah sapagkat ikaw ay akin nang maybahay,’’ sabi ni Jonas habang hinuhugasan ang pinggan. Nasa tabi niya si Ziarah masayang nakikinig.

‘‘Maybahay to be,” sabi ni Ziarah.

“Basta pagnakatapos ka ng college, pa-kakasal na tayo.’’

“Next year na iyon, Kuya.’’

“Huwag mo na nga akong tawaging Kuya. Naaasiwa na ako.’’

“Anong itatawag ko sa iyo?’’

“Bahala ka kung ano ang gusto mong itawag sa akin. Basta ako ang itatawag ko sa’yo ay Love.’’

“Ah Sweet na lang ang itatawag ko sa’yo. Matamis.’’

“Wow!’’

Yumakap si Ziarah sa likod ni Jonas.

‘‘Sweet ka kasi.’’

“Love na love naman kita.’’

“Kung panaginip ito Sweet, ayaw ko nang magising!’’

“Aba huwag. Baka bangungot na ‘yan.’’

Bahagyang kinurot ni Ziarah si Jonas sa tagiliran.

Napaiktad si Jonas.

At saka biglang pumihit at ito naman ang yumakap kay Ziarah.

Punumpuno sila ng kaligayahan.

Kinagabihan, sa oras ng pagtulog ay nagbiro si Jonas.

‘‘Kung diyan na kaya ako sa bedroom mo matulog, Ziarah…’’

“Hindi puwede. Hindi muna tayo magtatabi hangga’t hindi pa tayo kasal.’’

“Ibig mong sabihin, isang taon pa tayong magkahiwalay ng higaan?’’

“Yes Sweet!’’

“Love naman. Baka puwede na ngayon.”

“Hindi puwede!’’

“Paano ako?’’

‘‘Tiis-tiis ka muna.’’

“Mag-iimagine na lang ako na naka-two piece ka?’’

“Yes!’’

Kakamut-kamot sa ulo si Jonas.

Pumasok na sa room niya si Ziarah.

(Itutuloy)

BABAE SA APARADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with