Lalaki sa Italy, pinagmulta dahil sa maagang pagtilaok ngalagang tandang
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - August 26, 2020 - 12:00am

ISANG lalaki sa Italy ang pinagmulta ng 166 euros (katumbas ng P10,000) matapos ireklamo ng mga kapit­bahay niya ang napakaagang pagtilaok ng kanyang alagang tandang.

Alas kuwatro’y medya pa lang kasi ng madaling araw ay tumitilaok na raw kaagad ang tandang ng 83-anyos na si Angelo Boletti dahilan upang araw-araw na mabulahaw ang kanyang mga kapitbahay na mahimbing pang natutulog ng mga oras na iyon.

Pinagbasehan ng multa kay Boletti ang ordinansang nag-uutos sa pet owners na dapat may 10 metro sa mga kalapit na bahay ang mga alagang hayop.

Plano namang iapela ni Boletti ang multa sa kanya lalo na’t ngayon lang daw niya nalaman ang ordinansa ukol sa kailangang layo ng mga alagang hayop sa mga kalapit na bahay.

ITALY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with