^

Punto Mo

EDITORYAL- Langhap na ang corruption sa PhilHealth

Pang-masa
EDITORYAL- Langhap na ang corruption sa PhilHealth

UMAALINGASAW ang corruption sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Nag­karoon na ng pagdinig ang Senado noong nakaraang linggo at sabi ng isang dating opisyal, may mafia sa PhilHealth at ang mga ito ang dahilan sa pagkalustay ng P15-bilyong pondo.

Ayon kay Thorsson Montes Keith, dating anti-fraud legal officer ng PhilHealth, ang natuklasan niyang anomalya sa ahensiya ay maituturing na “krimen ng taon”. Minamaniubra umano ng sindikato ang interim reimbursement mechanism at procurement ng “overpriced” information and communication equipment.

Nagkaroon din ng pag-iimbestiga ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at natuklasan din nila ang mga iregularidad sa PhilHealth. Ayon sa PACC, 36 na opisyal ng ahensiya, kabilang dito ang 10 board members, 11 officials mula sa executive committee at iba pang central office units at 15 iba pa sa regional offices ang sangkot. Sabi ni PACC Commissioner Greco Belgica, nirekomenda na nila kay President Duterte ang pagsasampa ng corruption cases sa mga opisyales ng PhilHealth.

Sa nangyayaring ito, tiyak na matutuyuan ng pera ang PhilHealth dahil sa katiwalian at ang labis na kawawa ay mga miyembro na naghuhulog ng premium. Kapag kailangan na nila sa emergency, wala na pala silang aasahan dahil simot na ang pondo ng ahensiya. Kahambal-hambal ang ganitong sitwasyon.

Hindi malilimutan ang minsan ay sinabi noon ni President Duterte na makalanghap lang daw siya ng katiwalian sa tanggapan ng gobyerno, sisibakin agad niya ang sangkot. Wala na raw tanung-tanong pa. Kaya binalaan niya ang mga korap na kusa nang magbitiw kaysa ipahiya niya.

Bakit hindi niya ito gawin ngayon. Higit pa sa langhap ang naaamoy na corruption sa PhilHealth ngayon – talagang amoy na amoy na!

Pinakilos niya ang Department of Justice (DOJ) para magsagawa ng imbestigasyon at ganundin sa pag-lifestyle check sa mga opisyal.

Pero mas matutuwa ang sambayanan kung sisibakin­ agad-agad ng Presidente ang mga sangkot sa katiwa­lian sa PhilHealth nang walang tanung-tanong pa.

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with