^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (129)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ANONG ginagawa mo rito, Joshua?’’

“Sinundan kita. Ito pala ang bahay n’yo!’’ sagot ni Joshua na nakangisi.

“Bakit mo ako sinundan?’’

“E kasi lagi kang nagmamadali. Gusto ko pang makipag-usap sa iyo e lagi kang pauwi.’’

‘‘Kasi nga marami pa akong gagawin. Alam mo naman na kasambahay ako. Magluluto pa ako. Maglalaba pagkatapos magluto.’’

“Kahit sandali lang ayaw mo akong pagbigyan.’’

Pinagbigyan naman kita nung birthday mo ah! Di ba sumama pa ako sa’yong kumain.’’

“Oo nga pero para kang ipinahid. Mayroon pa akong sasabihin sa iyo pero nagmamadali kang umalis.’’

“Kailangan kasing makarating ako nang maaga rito sa bahay dahil marami ngang gagawin. Naiintindihan mo ba ako?’’

“Masyado ka namang loyal sa amo mo. Kahit kaunting time lang e hindi puwede.’’

“Talagang hindi puwede. Kailangang magtrabaho ako para makapag-aral. Kung hindi ako magbabanat ng buto, walang mangyayari sa akin. Hindi ako katulad mo na maykaya at may mga magulang na inaasahan. Ako ulila nang lubos at walang tutulong sa akin kundi ang sarili ko.’’

“Ang dami mong sinabi. Kaunting oras lang ang hiling ko sa iyo para ako pakinggan e ayaw mo. Nakikiusap naman ako nang maayos di ba?’’

“Ano bang sasabihin mo?’’

“Kailangan ko pa bang sabihin?’’

“Siyempre. Ano ako mang­huhula?’’

“Malakas ang tama ko sa’yo. /Yun ang dahilan.’’

“Di ba sinabi ko naman sa’yo pag-aaral ang prayoridad ko. Wala munang ligaw-ligaw dahil gusto ko makatapos sa pag-aaral. Nakatutok ako sa pag-aaral ko. Marami akong pangarap.’’

“Ang lupit mo naman.’’

‘‘Malupit na kung malupit.’’

‘‘Ano Ziarah?’’

‘‘Anong ano?’’

“Gusto ko maging magsiyota tayo?’’

Punumpuno na si Ziarah.

Pero ayaw naman niyang maging marahas. Baka kung anong gawin ni Joshua. Diplomasya pa rin ang dapat sa pagkakataong ito.

“Please Joshua, unawain mo ako. Wala pa sa isip ko ‘yan.’’

Umiling si Joshua.

Hanggang sa matanaw ni Ziarah ang paparating na kotse ni Jonas!

‘‘Nandiyan na ang amo ko! Umalis ka na Joshua, puwede.’’

“Hindi mo pa ako sinasagot! Sagutin mo muna ako!’’ (Itutuloy)

vuukle comment

ANG BABAE SA APARADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with