^

Punto Mo

EDITORYAL - Siguruhin ng DSWD na legal beneficiaries ang tatanggap ng 2nd SAP

Pang-masa
EDITORYAL - Siguruhin ng DSWD na legal beneficiaries ang tatanggap ng 2nd SAP

INIHAYAG ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na target maipamahagi ang 80% payout ng second tranche ng social amelioration program (SAP) sa Hulyo 31. Sinabi ni DSWD Sec. Rolando Bautista na hawak na nila ang pondo at masusi nilang sinusuri ang listahan ng mga benipis­yaryo. Ayaw na umano nilang maulit ang nangyari na nagkadoble o triple pa ang mga nakatanggap ng SAP sa unang tranche. Kinailangan pa nilang bawiin ang mga nadobleng nabigyan ng ayuda.

Ayon sa DSWD Secretary, marami nang benepis­yaryo sa National Capital Region ang nakatanggap na ng second tranche at pinadaan ito sa pamamagitan ng online payment. Maraming remittance center ang nakipagtulungan sa DSWD para mabilis na maipamahagi ang second tranche. Ang mga nasa malalayong lugar ay mano-mano pa rin ang pagbibigay ng ayuda. Ayon pa sa DSWD secretary nasa 12 milyon ang target nilang beneficiaries na mabigyan ng ayuda.

Mabuti naman at naisasaayos na ang pagbibigay ng SAP. Dapat masiguro na legal beneficiaries ang makakatanggap. At mabuti na rin ang ginawang online ang pagkuha ng SAP. Hindi katulad sa nakaraan na ipinadaan sa barangay chairman ang SAP kaya ang mga kaanak nito at kasambahay ang nakinabang. Marami ring barangay chairman na hinahati ang SAP at ang kalahati ay binubulsa. Ayon sa DILG, sinampahan na ng kaso ang mga barangay officials na nagsamantala sa pamamahagi ng SAP.

Unang nagpalabas ng P200 bilyon ang pamahalaan para ipamahagi sa mga mahihirap at nawalan ng trabaho dahil sa ipinatupad na lockdown noong Marso. Sabi ng Malacanang, gumagawa ng paraan ang pamahalaan para makalikom ng pondo para sa pangangailangan ng mga tao na naapektuhan ng COVID-19. Sabi ni President Duterte noon, kahit ipagbili raw niya ang mga pag-aari ng gobyerno ay gagawin niya matulungan lamang ang mamamayan.

Sana maipamahagi nang maayos ang SAP at mga nangangailangan ang nararapat makatanggap.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with