Ang babae sa aparador (108)

TINOTOO ni Ziarah ang sinabi na hindi siya papasok sa school hangga’t hindi lubusang gumagaling si Jonas. Hindi niya ito iiwan at pagsisilbihan. Natatakot siya na iwan ito sa bahay lalo pa’t nakakabalita siya na madalas ang sunog.

Paano kung biglang may sunog at wala siya sa bahay, paano si Jonas na hindi pa gaanong makakilos nang mabilis dahil sa pagkabugbog. Kawawa naman ito. Ayaw niyang may mangyari kay Jonas. Tama na ang nangyari rito na binugbog ng kasamang lalaki ni Kat.

Minsan, may sinabi si Jonas habang naglilinis sa sala si Ziarah. Nakaupo sa sopa si Jonas.

“Kapag nakatapos ka sa computer school, ipapasok talaga kita sa kompanya namin. Palagay ko mas mahusay ka pa kaysa sa mga tajam namin dun.’’

‘‘Hindi naman siguro Kuya.’’

‘‘Palagay ko mahusay ka. Kaya pagbutihan mo pa.’’

‘‘Oo Kuya.’’

‘‘Kaya mo rin kaya ang maging programmer?’’

‘‘Siguro Kuya. Madali lang daw, sabi ng isang instructor namin.’’

‘‘Kapag nakatapos ka, pag-aaralin uli kita. Mas mabuti ang maraming natapos ukol sa computer. Kasi sa nangyayari ngayon, pawang computyer na lahat. Puro online na lang lahat pagdating ng araw. Digital platform. Mawawala na ang mano-manong bayaran at transaction. Kaya dapat mag-invest nang nalalaman sa computer tech. Ikaw ang makakagagawa niyan Ziarah.’’

‘‘Salamat Kuya. Gagawin ko ang sinabi mo. Pag-aaralan ko lahat.’’

MAKALIPAS ang isang linggo, magaling na magaling na si Jonas.

Pumasok na si Ziarah sa klase.

Pagpasok niya sa gate ng school, sinalubong siya ng kaklase na may crush sa kanya.

“Ang tagal mong nawala Ziarah. Bakit?’’

Nainis si Ziarah pero hindi niya pinahalata.

(Itutuloy)

 

Show comments