^

Punto Mo

Maari bang magpatuloy ang proseso ng annulment kahit hindi na mahagilap ang asawa?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Gusto ko na pong hiwalayan ang asawa ko ngunit hindi ko alam kung saang lupalop na siya nakatira ngayon. Maari po bang magsampa ako ng kaso para sa annulment ng aming kasal kahit wala akong paraan para maipagbigay alam sa kanya ang tungkol dito? —Tessa

Dear Tessa,

Hindi problema kung hindi mo alam kung saan hahagilapin ang asawa mo dahil kung walang paraan para siya ay mapadalhan ng notice ukol sa petisyong isasampa mo sa korte na humihiling ng pagpapawalang-bisa ng inyong kasal ay maari namang idaan sa paglalathala sa diyaryo ang pagbibigay-alam sa kanya tungkol dito.

Ayon sa Rule 14 ng Rules of Court at sa mga patakarang inilabas ng ating Korte Suprema, maaring idaan sa diyaryo ang summons na magpapasailalim  sa iyong asawa sa kapangyarihan ng korte. Ang pagpapalathala sa diyaryo ng summons ay ginagawa kung hindi matagpuan ang isa sa mga partido sa isang kaso sa ibinigay niyang address o kung wala talagang nakaaalam kung nasaan siya.

Sa mga ganyang sitwasyon, kailangang ilathala ang summons sa diyaryo na may general circulation o ‘yung mga pahayagang malawak ang naaabot. Kailangang ilathala rin ng isang beses kada linggo sa loob ng dalawang magkakasunod na linggo ang summons, na karaniwang maglalaman ng pangalan, uri, at numero ng kasong isinampa laban sa kanya, ng mga dahilan kung bakit ito isinampa, at ng kautusang sagutin ang kaso sa loob ng 30 araw.

vuukle comment

ASAWA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with