2 ‘halimaw’ na pulis-Ilocos, minalas dahil sa alak!
SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - July 10, 2020 - 12:00am

DAHIL sa impluwensiya ng alak, gumuho ang buhay nina SSgt. Randy Ramos at SSgt.Marawi Torda, ang prime suspects sa rape at murder ng 15-anyos na si Fabel Pineda sa Ilocos Sur. SWAK na sa dismissal sina Ramos at Torda dahil nasa kasagsagan sa ngayon ng internal cleaning ang PNP sa utos ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Archie Gamboa.

Naging sentro ng maanghang na pagbatikos sa social media sina Ramos at Torda at maging si Gamboa ay tinawag silang mga “halimaw”. Araguuyyy! Goodbye..na lang sa malaking suweldo at milyones na retirement benefits ng dalawa at kapag minalas pa ang mga “halimaw”, ang panandaliang kasarapan nila ay papalitan ng mapait na karanasan dahil sa kulungan na maaring magtapos ang buhay nila.

Iniutos ni Gamboa kina PRO1 chief Brig. Gen. Jun Azurin at Brig. Gen. Ronald Lee, ng Interity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) na pagtulungang kasuhan sina Ramos at Torda para wala na silang kawala pa. Ang mga pulis naman sa Cabugao at San Juan sa Ilocos Sur ay pina-relieve lahat ni Gamboa dahil sa tangkang pagtakip ng kaso ni Pineda at papalitan sila ng taga-Regional Mobile Force (RMF). Ang unang murder case na isinampa kina Ramos at Torda sa Ilocos ay ipapahatak ng abogado ng pamilya ng biktima at sina Azurin at Lee na ang bahala sa kaso. Hak hak hak! Alak pahhh!

Sa paunang imbestigasyon ni Lee, sina Ramos at Torda ay katatapos lang mag-duty sa San Juan police noong Hunyo 27 at naisipan nilang uminom ng alak. Maya-maya lang, may tumawag sa kanila at sinabing may nag-iinumang kabataan sa isang lugar at dalawa doon ay «puwede» na. Hindi nag-aksaya ng panahon ang dalawang «halimaw» at sakay sa kanilang motor, pinuntahan ang lugar at inaresto sina Pineda at kasamang 18-anyos sa paglabag ng curfew at dinala sa isang beach resort sa Cabugao kung saan nangyari ang kahalayan.

Kinabukasan, nagsadya sa Cabugao police station ang dalawang dalaga para mag-report subalit hindi sila inintindi, ani Lee. Matapos malaman na balak magreklamo ang mga biktima, nagpadala ng kanilang emissary ang mga suspect kinahapunan at nag-offer ng P150,000 para maayos ang kaso.

Hindi pumayag ang nanay ni Pineda na isang OFW. Nagdagdag ang mga «halimaw» ng P30,000 subalit hindi pa rin kinagat ang offer nila. Araguuyyy! Hak hak hak! Nawalang bigla ang hangover ng dalawang «halimaw.» Get’s n’yo mga kosa?

Noong Hulyo 2, nagsadya ang mga biktima, kasama ang mga kaanak, sa Cabugao police para magsampa ng kaso at humingi ng police escort dahil sa sangkaterbang death threat na tinatanggap nila. Binokya sila ng hepe ng pulisya. Dahil lima sila, tatlo sa kanila, kasama si Pineda, ang unang sumakay sa motor para umuwi at ang 18-anyos na biktima at nanay niya ay babalikan na lang.

Nasa kalye sa Bgy. Daclapan, Cabugao ang motor nang harangin sila ng mga «halimaw» kaya natumba sila sa kalsada. Dito na pinutukan ng mga «halimaw» si Pineda na nakaangkas sa hulihan ng motor. Kaya sa mga kosa kung pulis, tulad ng «bilin ng lola ‘wag uminom ng serbesa at mag-softdrinks na lang muna» para mapalayo sa disgrasya. Abangan!

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with