^

Punto Mo

Trike drivers, ginawang gatasan ng pulis sa Bulacan!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

MAGING ang mga tricycle drivers ay hindi pinatawad at ginawang gatasan ni SMSgt. Vic Lajom ng Malolos police sa Bulacan kaya’t hayun tiyak hindi rin siya patatawarin ni Phi-lippine National Police (PNP) chief Gen. Archie Gamboa. Si Lajom ay inaresto ng mga operatiba ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG), Intelligence Group at Bulacan police noong Lunes sa isang entrapment operation.

Ang masama nito, dinamay pa ni Lajom ang mga kasamang sina Pat. Jay Mark Tuazon at sibilyan na sina Wendel Mendoza, at Keneth Villena. Inutusan ni Gamboa si IMEG director Brig. Gen. Ronald Lee na ipa-dismiss sa serbisyo sina Lajom at Tuazon alinsunod sa internal cleansing program ng PNP. Araguuyyy! Hak hak hak! Biglang natunaw ang pangarap ni Lajom na maging milyonaryo, kasama na riyan ang libo nilang suweldo ni Tuazon.

Sinabi ni Lee na sina Lajom at Tuazon ay na-assign sa Police Community Precinct 5 (PCP5) ng Malolos police at sakop nila ang mga paradahan ng mga bumibiyaheng tricycle dun. Alam n’yo naman mga kosa na nang ideklara ni President Digong ang lockdown noong Marso, hindi na nakapagbiyahe ang mga tricycle sa takot na dapuan ang mga driver ng COVID-19.

Kaya lang pinayagang bumalik sa kalye ang mga tricycle matapos ilagay sa general community quarantine (GCQ) ang Bulacan subalit ang mga sakay nila ay tig-isa o dalawa lang alinsunod sa health protocols ng gobyerno. Siyempre, karamihan sa kanila ay nagbabayad pa ng boundary araw-araw subalit ang importante nito may pampatawid gutom ang mga tricycle drivers sa kanilang pamilya. Get’s n’yo mga kosa?

Ang sistema pala nitong tropa ni Lajom ay hinuhuli nila ang mga tricycle drivers sa kung anu-anong violation at hinihingan sila ng P500 para limutin na ang kaso nila o di kaya’y i-downgrade ito. Sinabi ni Lee na hindi na natiis ng mga tricycle drivers ang kalupitan ni Lajom kaya’t lumutang na sila para magreklamo. Araguuyyyy! Hak hak hak!

Libo pala ang tricycle na bumibiyahe sa town proper ng Malolos, ayon kay Lee, at malaking pitsa rin ang umaakyat sa PCP5 sa raket nina Lajom. Dahil sa sistema ni Lajom, halos wala nang maiuwi sa pamilya nila ang mga tricycle drivers. Ano ba ‘yan? 

Kaya inilatag kaagad nina Lee, Intelligence Group chief Brig. Gen. Joseph Ulysses Gohel, at Bulacan police director Col. Lawrence Cajipe ang entrapment operations vs tropa ni Lajom at hayun.....SWAK silang apat. Biglang gumuho ang magandang kinabukasan ng pamilya nina Lajom at Tuazon, na haharap ng kasong robbery extortion.

Kahit may COVID, hindi talaga namamahinga ang tropa ni Lee para isulong ang internal cleansing ng PNP. Kaya kung inaabuso kayo ng kapulisan mga kosa, ‘wag na kayong mag-atubiling lumapit kay Lee at 100 posiyentong lutas ang problema n’yo. Kailan kaya masampolan ng IMEG si Sgt. Raffy Padua, ang tong kolektor ng Manila City Hall? Abangan!

vuukle comment

TRIKE DRIVERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with