^

Punto Mo

‘Kambal baril’ raket, tinututukan ng PNP! -- Eleazar

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

PAIIGTINGIN ng Philippine National Police (PNP) ang kampanya laban sa raket na “kambal baril” na pinaiiral ng mga tiwaling security agency para makamenos ng gastusin sa pagrehistro ng baril. Ipinaliwanag ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang PNP Deputy Chief for Operations, na sa sistemang “kambal baril”, ang ginagawa ng security agency ay gumagamit ng iisang serial number para iparehistro ang dalawang baril.

Sa sistemang ito, ang nadudugas ay ang gobyerno ni President Digong dahil bawas ang tax na binabayaran ng mga security agency, di ba mga kosa? Ang kawawa naman sa “kambal baril” ay ang security guards na naisyuhan ng baril dahil kapag nahuli sila, aba kakasuhan sila ng illegal possession of firearms at presto --- sa kulungan sila dadamputin. Araguuyyy!

Ang masama pa nito, sa bulsa ng mga security guards manggagaling ang pampiyansa nila dahil hindi sasagutin ito ng mga salbaheng security agency na palaging umiiwas sa gastos. Maliwanag pa sa sikat ng araw na bawal itong “kambal baril,” ‘di ba mga kosa?

Ang mga security guards ang pinakakawawang empleyado, ayon sa datos ng Department of Labor dahil karamihan sa kanila ay hindi binibigyan ng balasubas na security agency ng kaukulang benefits kaya nasa tamang landas si Eleazar na pangalagaan ang kinabukasan nila at kani-kanilang pamilya. Hak-hak-hak!

Kaya ang mungkahi ni Eleazar sa mga security agency ay sundin ang mga alituntunin ng PNPs Supervisory Office for Security and Investigation Agency (SOSIA) para mapalayo ang mga security guards nila sa kapahamakan. Tumpak!

Ibinulgar ni Eleazar ang “kambal baril” raket nang iprisinta n’ya noong Biyernes ang 584 loose firearms na nakumpiska ni SOSIA director Brig. Gen. Sidney Villaflor sa Camp Crame. Halos triple ang nakumpiskang baril ni Villaflor mula Enero hanggang Hunyo sa taon na ito kumpara sa 139 lang noong 2019.

Siyempre kahit panahon ng COVID-19, tuloy lang ang kampanya ng kapulisan laban sa walang lisensiyang baril na kasama sa mga programa ni PNP chief Gen. Archie Gamboa laban sa kriminalidad, ayon pa kay Villaflor, na miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class ‘92. Kung ang loose firearms ay napunta sa kamay ng mga kriminal, eh di hilong-talilong ang kapulisan dahil puno ng trabaho ang katawan nila. Kasi nga habang abala sila vs COVID, hahabulin pa nila ang mga kriminal. Araguuyyy! Get’s n’yo mga kosa?

Iniutos ni Eleazar kay Villaflor na ang lahat ng nakumpiskang loose firearms ay i-turnover sa PNP crime laboratory para sa ibayong inspection at verification at baka nagamit ang mga ito sa mga nakaraang krimen. At para maiwasang mag-expire ang lisensiya ng mga baril ng publiko, sinabi ni Eleazar na ang opisina ni VIllaflor ay bukas na para mag-isyu ng kinakailangang mga permits at clearance.

O hayan mga kosa, kapag may taym kayo magsadya lang sa SOSIA at bukas ang opisina ni Villaflor para iproseso ang mga dokumento n’yo. Tumpak! Abangan!

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with