^

Punto Mo

Ah Pinoy na gumaling sa COVID, hinikayat mag-donate ng dugo!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

NANANAWAGAN ang Department of Health (DOH) sa mahigit 7,000 naka-recover sa COVID-19 na tumulong sa pakikipaglaban sa nakamamatay na sakit sa pamamagitan ng pagdo-donate ng kanilang dugo. Kinakailangan ng steady supply ng dugo para sa ating mga kababayan na ‘di lamang may COVID kundi pati may ibang sakit tulad ng cancer. Kaya isinusulong ni National Voluntary Blood Services Program manager Marites Estrella na ating buhayin ang diwa ng bayanihan tungo sa boluntaryong pagbibigay ng dugo.

Iba’t ibang pag-aaral kasi ang ginagawa sa ngayon upang makahanap ng vaccine laban sa COVID. Isa sa mga ito ay ang convalescent plasma therapy, na ayon sa mga experto sa Philippine General Hospital (PGH) ay nagpapakita ng magandang resulta, lalo na sa mga critical COVID patients. Hindi na bago ang technique na ito, at ayon sa mga health experts, ang convalescent plasma therapy ay “tried and tested” na treatment laban sa Ebola, SARS, MERS-Cov Swine Flu at iba pang karamdaman. Bagama’t walang patunay pa sa ngayon na ito ang epektibo laban sa COVID. Araguuyyy! Hak hak hak! Napakailap talaga ng vaccine laban sa COVID.

Ayon kay Dr. Pedrito Tagayuma, officer-in-charge of the Philippine Blood Center, ang plasma ay kinokolekta mula sa dugo ng mga pasyenteng naka-recover mula sa COVID dahil ang mga ito ay naka-develop na ng anti-bodies laban sa virus. Wala man daw conclusive na ebidensiya sa ngayon na nakatutulong ang paggamit ng plasma mula sa COVID survivor, ligtas naman daw itong gamitin, ayon sa pag-aaral, at upang malaman din kung ito ay mahusay na treatment.

Base sa datos ng DOH patuloy na dumarami ang mga Pinoy na nakaka-recover sa nakamamatay na COVID, subalit hindi lahat ay maaring mag-donate ng dugo. Ang puwedeng mag-donate ay dapat ay wala nang sintomas ng sakit nang halos isang buwan, edad 16 hanggang 60, at dapat ay normal ang blood pressure. O hayan, maliwanag pa sa sikat ng araw ‘yan ha mga kosa. Kaya huwag nang mag-atubili, mag-donate na ng dugo n’yo.

Kung sabagay, ipinagmamalaki ng DOH na kahit tumataas ng kaso ng COVID, marami ang nakaka-recover sa virus at napapanatiling mababa ang COVID mortality rate sa bansa. Subalit mas gaganda ang paglaban sa virus kung ang mga Pinoy ay susunod sa health protocols, di ba mga kosa? Marami pa kasi sa mga Pinoy ang pasaway at hindi na nagsusuot ng face mask at di pinaiiral ang social distancing. Araguuyyy!

Sa totoo lang, sinabi ng DOH na malaki na ang hinusay ng mga doktor sa pag-aalaga ng COVID patients mula nang kumalat ang virus. Gayunpaman, makabubuting subukan ang convalescent plasma therapy habang walang pang natutuklasang miracle pill laban sa COVID, di ba mga kosa? Wala naman itong masamang maidudulot ayon sa mga experto sa kalusugan. Pero, isang paalala lang mga kosa, huwag basta maniniwala sa mga itinitindang gamot sa COVID, lalo na sa online ha. Huwag pabiktima sa raket!  Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with