Unang araw pa lang, umupak agad kayo!
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - June 4, 2020 - 12:00am

TAMA nga talaga ang kasabihan na “when there’s crisis, there’s opportunity.” Malaking oportunidad kasi para sa mga maiingay na pulitiko ang problema sa transportasyon sa unang araw pa lang ng pagbubukas ng general community quarantine (GCQ).

Ang mga abala, kalbaryo at sentimiyento ng mga mananakay na nagkalat sa lansangan, naghihintay na makasakay, nag-uuna­hang makapasok agad sa kanilang opisina ay pinagpistahan. Ginawa nang malaking isyu.

Tunog nakikisimpatiya, tumatayo para kuno sa mga Pilipinong umaasa sa mass transport. Pero ang totoo, nag-ingay, umupak, namuna at tumuligsa agad sa unang araw pa lang.

These politicians will always have something to say otherwise they’re gonna die for sure, if they have nothing to say. Always wanting to be in the limelight tsk tsk tsk.

Kundi ba naman mga sandamakmak na “mema” lang o marahil hindi siguro nila alam o tala­gang ayaw nilang malaman na bago pa man mag-GCQ, nag-abiso na ang pamahalaan. Magkakaroon ng kakulangan sa transportasyon dahil 50% na kapasidad ang maisasakay sa mga bus at tren.

Ito’y dahil sa patuloy na pagpapatupad ng social distancing sa mga sasakyan kahit na sa mga pampublikong sasakyan gawa ng banta ng COVID-19.

Singlinaw ng sikat ng araw sa umpisa pa lang ng GCQ na magkakaroon ng kakulangan sa transportasyon kasabay nito ang abala sa mga mananakay na umaasa sa mass transport.

Ang pinakaimportanteng dahilan, mas mahalaga ang kaligtasan kaysa kaginhawahan ng mga mananakay.

Kaya naman ang panawagan din ng pamahalaan na kung maaari ay ang pribadong sektor ay mag-ambag ng kanilang maitutulong. Ito’y sa pamamagitan ng pagbibigay ng sasakyan para sa kanilang mga manggagawa para mapunuan ang kakulangan habang tayo’y nasa GCQ.

Mga Sir, Ma’am mema lang? Biglang kayong naging mga eksperto’t dalubhasa sa problema ng mamamayan sa pamamagitan lamang ng obserbasyon, pananaw at punto de vista.

Wala naman sana kasing masama kung sila’y namumuna dahil ‘yan siguro talaga ang trabaho ng opisiyon… puna rito… puna roon… upak dito… upak doon!

Pero sana naman, ang mahalaga ay makatulong sa taumbayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng solusyon at punuan ang kakulangan. Hindi yung unang araw pa lang, upak agad!

COVID19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with