Ang babae sa aparador (69)

PARANG nananaginip pa si Ziarah at hindi ma­laman ang gagawin. Na­titigilan siya habang nakasilip sa bintana at tinatanaw sina Jonas at Kat habang papalapit na sa main door. Mabuti na lang at pinatay niya ang ilaw sa buong bahay.

Paano ang gagawin niya?

Dali-dali siyang umakyat para magtungo sa kanyang kuwarto, hawak niya ang kanyang cell phone.

Nang makarating sa kanyang kuwarto, pinihit niya ang seradura. Naka-lock!

Bakit naka-lock?

Ilang ulit niyang pinihit ang door knob.

Naka-lock talaga!

Ang susi ng kuwarto ay nakasabit sa may kitchen. Doon niya iyon inilalagay para madaling makita in case na ma-lock ang pinto.

Kung bababa siya para kunin ang susi, makikita siya ni Kat. Pakiramdam niya, nasa salas na ang dalawa.

Hindi niya malaman ang gagawin. Saan siya magtatago? Hindi naman siya puwedeng magdaan sa bintana dahil may grills. Ang fire escape ay nasa kuwarto.

Hanggang maisip niya, sa aparador na lamang na nasa kuwarto ni Jonas magtago.

Iyon ang pinakamabilis na paraan.

Nagtungo siya sa kuwarto ni Jonas.

Binuksan niya ang aparador.

Bahala na!

(Itutuloy)

 

Show comments