Illegal recruiters, gumagana na naman!
SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - June 3, 2020 - 12:00am

NAKABABAHALA sa ngayon ang naglipanang aktibidades ng mga illegal recruiters na gumagamit ng social media upang mambiktima ng mga Pinoy na nagnanais magtrabaho sa abroad. Hindi talaga nauubos ang mga kawatan at nakukuha pang mangloko ng kapwa Pinoy na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic. Araguuyyyy! Hindi inasahan ng gobyerno ni President Digong ang masamang epekto ng COVID ‘di lamang sa kalusugan, kundi pati sa ekonomiya at trabaho ng manggagawang Pilipino sa local man o ibang bansa.

Sa umpisa pa lang ng COVID pandemic, ang buong akala ng Department of Labor and Employment (DOLE) maaring bumaba ang hiring ng OFWs ng 50 porsiyento lang subalit nitong Abril, umabot na ito sa 99 percent kumpara sa parehong buwan ng nakaraang taon. Araguuyyyy! Ito ay dahil sa maraming bansa rin ang nag-lockdown at nag-impose ng travel restrictions tulad ng Pinas. Kamakailan lang, sinabi ng DOLE na dahil sa COVID, maaring umabot sa isang milyong OFWs ang maaring mawalan ng trabaho at bumalik na sa ating bansa. 

Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) chief Bernard Olalia, pinag-aaralan nila ang datos dahil ito ay binatay sa rami ng mga OFWs na humingi ng tulong financial matapos maapektuhan ng COVID ang kanilang hanapbuhay. Inilunsad ng DOLE ang “Abot Kamay ang Tulong Program” (AKAP) na nagbibigay ng $200 grant sa mga OFWs na nawalan ng trabaho. Halos 400,000 ang OFWs ang nag-apply sa programa, subalit 150,000 lamang ang naaprubahan. Napag-alaman ng ang ilan sa mga aplikante ay hindi naman OFWs kundi mga Pinoy na tinuturing na mga permanent residents sa abroad. Meron ding mga nag-apply na matagal ng nawalan ng trabaho bago pa man nagka-COVID. Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Karamihan sa seafarers na umuwi ay napabilang din sa displaced OFWs ay tapos na ang kontrata at natural lamang na bumalik sa bansa. Gets n’yo mga kosa? Gayun pa man, sila ay kasamang binigyan ayuda ng gobyerno ni Digong.

Malaking suliranin sa ngayon kung saan na kukuha ng ipaKakain sa kanilang pamilya ang mga bumalik na OFWs?  Sana lamang marami sa ating mga OFWs ang nakapag-ipon para may pangtustos sila sa pangangailangan ng kani-kanilang pamilya.  Pero para naman sa mga walang ipon, naghahanda na ang DOLE at Overseas Workers Welfare Adminstration (OWWA) sa paglulunsad ng isa pang programa na magbibigay ng P20,000 financial na tulong sa mga OFWs na nawalan ng trabaho upang sila ay makapagtayo ng kanilang negosyo at iba pang maaring pagkakitaan. Hak hak hak! Sana all!

Sinabi rin ni Olalia na umaasa ang gobyerno na libu-libong Pinoy pa rin ang makakapagtrabaho sa ibang bansa sa oras na mawala ang travel restrictions na iniutos ng gobyerno sa abroad. HIndi naman na-cancel ang mga existing job orders para sa OFWs at nanatiling epektibo, sabi nga ni Olalia. Pero mga kosa, mag-ingat at siguraduhin na sa legal na ahensiya at dumaaan sa POEA sa pag-aapply upang makaiwas sa mga tulisang illegal recruiters. Abangan!

ILLEGAL RECRUITERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with