^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (59)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

‘‘MARUNONG ka naman sigurong mag-computer ano, Ziarah?’’ tanong ni Jonas makaraang ipresenta kay Ziarah ang refrigerator na binili.

“Oo Kuya. Nung high school ay may computer subject kami kaya kahit paano ay nakahawak na ako ng computer. Wala pa nga lang internet connection nun sa aming school pero marunong na akong mag-operate at gumamit ng word processor.’’

“Good. Mura lang ang laptop ngayon. Palalagyan ko ng internet para nakakapag-surf ka at nakakapag-FB na rin.’’

‘‘Nakakahiya na sa’yo Kuya.’’

‘‘Wala yun! Kailangan mo ang mga bagay na yan habang nagtatago. Ako nga itong nahihiya dahil apektado ka sa relasyon namin ni Kat. Pasensiya ka na.’’

‘‘Okey lang Kuya. Naiin­tindihan kita. Basta tutulu-ngan kita na hindi mabisto ni Kat na may kasama ka rito sa bahay.’’

“Sige. Salamat uli. Pero yung pangako kong laptop ay totoo yun. Baka sa makalawa ay maibili na kita. Para pagnakatapos ka na sa mga trabaho mo rito sa bahay ay maglilibang ka naman sa FB.’’

“Salamat Kuya.’’

“Sige, ayusin mo na ang ref. Lagyan mo ng mga kailangan habang nagtatago. Hindi ka na siguro mahihirapan kahit ilang araw kang nasa kuwarto.’’

“Sige Kuya. Ipaplano ko na ang mga mahahalagang ilalagay dito. Ang cute ng ref na ito Kuya. Tamang-tama ito sa room ko.’’

Ngumiti lang si Jonas at saka nagtungo na sa itaas para magpahinga.

KINABUKASAN, nilag­yan na ni Ziarah ng mga ma­hahalagang kailangan ang ref. Mga inumin ang inilagay niya. Naglagay din siya ng sandwich spread para in-case na magtagal siya sa room meron siyang nakahandang pa­laman.

Mayroon din siyang gatas at asukal na inilagay dun.

Mamaya pagpunta niya sa palengke, bibili siya ng tasty at saka mga biskuwit.

Mabuti na ang naka-ready para kung sumama muli si Kat kay Jonas dito sa bahay ay hindi siya magugutom.

Kailangan ay maging handa siya para maging mata­gumpay ang pagtulong niya sa taong pinagkakautangan niya nang malaki. Sisiguruhin niyang hindi mabibisto ni Kat na may kasama si Jonas sa bahay. Ayaw niyang dahil dun ay masira ang pagsasama ng dalawa. Gagawin niya ang lahat para matulungan si Jonas.  (Itutuloy)

vuukle comment

BABAE SA APARADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with