Mali ang hakbang ng NTC laban sa ABS-CBN
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - May 9, 2020 - 12:00am

WE shouldn’t thrive at the misfortune of ABS-CBN.

Matindi na ang krisis dulot ng virus sa buong mundo. Malaki ang dagok sa ekonomiya hindi lang sa bansa natin dahil sa pagkawala ng mga trabaho’t hanapbuhay.

Kahit na kalaban o katunggali, kapag nakita nating dapa na, hindi na kayang lumaban, Tigilan na! Maliban na lamang kung ikaw ay isang sadista, wala sa katinuang pag-iisip.

Mali ang hakbang na ginawa ng mga kumag sa NTC laban sa ABS-CBN na Cease and Desist Order na ipatigil ang broadcast operation ng ABS-CBN. Bakit kinakailangang gawin ito sa gitna ng krisis?

Nagawa ni Pres. Rodrigo Duterte na humingi ng paumanhin at kapatawaran sa kanyang mga hindi magandang pahayag laban kay Manny V. Pangilinan at Ayala-Zobel sa media kamakailan.

“Reading between the line,” ang mga kontrabidang OSG at NTC, dapat nag-isip muna sila at ikinunsulta muna ang maselang isyung ito sa Palasyo.

Posibleng hindi ganito ang naging kahinatnan. Sa panahon ng krisis tulad ngayon, panawagan ng pamahalaan, “Heal as One.” Kinakailangan ay tulungan, pang-unawa at awa.

Hindi ko ipinagtatanggol ang korporasyon, o ‘yung mga artistang nag-iinarte. Wala akong pakialam sa kanila. May kakayanan silang ipagtanggol ang mga sarili nila. Pero ‘yung mga nagtatrabaho sa ibaba, ‘yung bumubuo ng organisasyon, ‘yung mga empleyado ang higit na apektado ng kasawiang ito.

Sila ang dapat kaawaan dahil sa biglaang kawalan, ang totoong naapektuhan sa gitna pa ng krisis na ito.

Panoorin ang kabuuan ng komentaryo kong ito sa BITAG OFFICIAL YouTube Channel. Huwag malito, hindi ako bumalentong, hindi ako bumalimbing.

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with