^

Punto Mo

Dapat masistema sa pagbibigay ng ayuda!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Simula sa araw na ito, ilang mga lugar ang magpapatupad na ng General Community Quarantine (GCQ).

Nangangahuluhan na bahagyang may pagbabago o luluwag ng kaunti kumpara sa rati na nasailalim sila ng Enhanced Community Qurantine (ECQ).

Pero ang National Capital Region at ilan pang ‘high risk’ areas ay mananatiling nasa ilalim ng ECQ hanggang sa Mayo 15.

Sa kabila nito, marami pa rin na nasa Metro Manila ang nag­hihintay ng ayudang pinansiyal buhat sa pamahalaan.

Iniulat ng DILG na noong Miyerkules ng gabi nasa 70 porsiyento pa lamang ang natatapos sa pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno para sa mahihirap na pamilya.

Nauna na ngang nagbigay ng taning ang DILG sa mga LGUs na dapat ay tapos na ang pag­bibigay ng SAP dapat eh kahapon, pero may ilan pa ring mga LGUs ang humirit dahil hindi nga nila kinaya ang pamamahagi hanggang sumapit ang itinakdang deadline.

Pinagbigyan naman ito ng DILG na nag-extend ng pitong araw para maipamahagi lahat ang tulong sa mga mahihirap na kababayan.

Kung tutuusin marami-rami na talaga ang nakatanggap ng kanilang cash aid, pero meron rin naman sa ilang lugar na mistulang usad pagong ang pamamahagi.

Kung sabagay sa rami ba naman nang dapat na mabigyan at sa pagrebisa sa mga listahan, hindi ito madali para sa LGUs.

Ang nakakapagtaka, may ilan na nagsauli ng kanilang natanggap dahil sa nagdodoble ang nakakuha sa isang pamilya.

Mabuti kung laging tapat ang nabibigyan ng doble, eh paano kung marami ang nakalusot, kawawa naman ang pamilyang hindi makakatanggap ng tulong dahil lamang sa hindi maayos na sistema.

Dapat malinaw at maayos ang ipinatutupad na sistema, dapat na makatanggap ang mga karapat-dapat na tumanggap, para walang reklamo ang mga tao.

vuukle comment

AYUDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with