Mga kriminal, atras din sa COVID-19
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - April 8, 2020 - 12:00am

Nasa 53 porsiyento o mahigit sa kalahati ang ibinaba ng krimen sa bansa makaraang ipatupad ang enhanced community quarantine sa buong Luzon, at ilang bahagi pa ng Visayas at Mindanao dahil sa banta ng COVID-19.

Mistulang maging ang mga kriminal eh sumunod sa home quarantine o dahil sa wala rin naman silang mabibiktima sa mga lansangan dahil sa lockdown.

Ayon nga kay Joint Task Force Corona Virus Shief (JTF CV Shield) Commander Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, nasa 53% ang ibinaba ng crime rate sa loob ng 18 araw kumpara sa 18 araw ng kaparehong period noong nagdaang taon.

Kabilang sa nasabing mga krimeng ito ay robbery, theft at carjacking na siyang barometro o sukatan sa peace and order.

Sa datos pinakamababang antas ng kriminalidad ay naitala sa Luzon na nasa 60% ang ibi­naba dulot ng lockdown.

Nasa 46% namang ang ibinaba ng kriminalidad sa Visayas na maraming lugar ang nagpa­tupad rin ng community quarantine at ipinagbawal ang pagbiyahe sa kanilang mga lugar. Bumaba rin ang kriminalidad ng 46% sa Mindanao Region.

Ayon pa kay Gen.  Eleazar nais ng PNP na magpatuloy ang pagbaba ng kriminalidad kaya mahigpit na binabantayan ang ilang grupo na nag-uudyok sa mga mamamayan at ginagawang isyu ang lockdown para lumikha ng kaguluhan. Aba’y kung kailan nga naman nasa emergency situation hindi lamang ang bansa kundi ang maraming bansa sa buong mundo, doon pa naghihikayat ng kilos protesta ang ilang grupo.

Ito ‘yung sinasabing hindi na nakakatulong nakakagulo pa sa sitwasyon.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with