^

Punto Mo

Cash aid arangkada na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Umarangkada na ang pagibigay ng pinansiyal na tulong ng pamahalaan sa ilalim ng Bayanihan Fund sa mga mahihirap nating­ kababayang naapektuhan sa ipinatutupad na lockdown sa buong Luzon at sa ibang panig ng bansa.

Cash na nakukuha ng ating mga kababayan ang tulong ng gobyerno at nagsisimula na nga ito na mapasakanilang-kamay.

Malaking tulong ito lalo na sa mga kababayan natin na nawalan ng kita dahil sa enhanced community quarantine.

Inaasahang hanggang sa Miyerkules ay maipapamahagi na ang ganitong tulong kaya nga kailangan ang kooperasyon ng bawat isa.

Totoo ang sinabi ni Pangulong Digong, na isa ito sa pinakamalaking cash aid na naibigay ng gobyerno sa kasaysayan ng bansa.

Iba naman kasi ng krisis na ito na hindi lang sa Pinas nanalanta kundi sa malaking bahagi ng mundo.

Sana naman walang pasaway, wait lang muna kayo, ginagawa naman ng pamahalaan ang kanilang tungkulin, hintay-hintay lang at may makakarating sa inyo.

Ngayon kung sa tingin nga ninyo ay may kapabayaan ang mga opisyal sa inyong lugar, isum­bong­ ninyo pero ‘wag daanin sa dahas at kaguluhan, lalo lang lalala ang problemang kinakaharap.

Sa mga opisyal naman, partikular sa ibaba na siyang mas lalong nakakakilala sa kanilang nasa­sakupan, aba’y umayos naman kayo. Huwag ninyong linlangin ang inyong mga nasasakupan, tandaan na hindi ninyo pera ‘yan.

Mula ‘yan sa kaban ng bayan, na laan sa mga lubhang nangangailangan, kilabutan naman kayo kung pag-iinteresan pa ninyo, tandaan may balik ang karma lalo na sa ganitong mga pagkakataon ng krisis at emergency.

Sa mga nakakatanggap, huwag naman ubus-ubos biyaya, kung mapasakamay inyo ang tulong, gamitin sa tama.

Dapat din maging honest, kung nakatanggap na, huwag nang gumawa ng paraan para humirit pa, tandaan na marami rin ang nangangailangan na dapat ding mabigyan.

Sana’y patuloy na makita ang bayanihan at pagtutulungan sa bawat isa, hindi ang lamangan.

 

vuukle comment

CASH AID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with