Ang babae sa aparador (12)

‘‘SINO naman ang magiging kasama ko rito? Nag-iisa lang ako, Kat,’’ sabi ni Jonas kay Kat sa telepono. Kung maaari ay ayaw niyang malaman ni Kat na may kasama siya mula sa probinsiya at babae pa.

‘‘Akala ko lang may kasama ka, Jonas. Alam ko naman na wala kang ka­sama dahil ulilang lubos ka, ha-ha-ha!’’

“Oo nga. Wala naman akong aampunin sa probinsiya.’’

‘‘Saan ka kumain ng lunch?’’

“Sa isang fastfood sa highway. ‘Dun ako inabutan ng lunch.’’

“Anong kinain mo?’’

“Fried chicken.’’

“Kung isinama mo ba ako e ‘di sa isang maayos na resto tao kumain at ‘di sa fastfood.’’

“Biglaan nga ang pagtungo ko sa province. Hindi ko akalaing iiwan na ako ni Tiya Aurora. Malungkot na malungkot nga ako.’’

“Ilang beses mo nang sinabi sa akin na lungkot na lungkot. Wake up, Jonas, hindi na maibabalik ang buhay ng auntie mo.’’

“Hindi mo maiaalis sa akin na malungkot dahil nagisnan ko nang ina si Tiya Aurora. Kung hindi niya ako inampon, wala ako sa kalagayang ito na nakatapos ng pag-aaral at narating ang tagumpay.’’

“Okey stop na. Paulit-ulit lang tayo sa pag-uusap ukol sa Tiya Aurora mo. Ang pag-usapan natin ay ang mga gagawin natin bukas. Sa Tagaytay ba o Baguio tayo pupunta?’’

“Baguio na lang. Da­ra­anan kita bago mag-alas si­yete ng umaga.’’

“Ang aga naman! Ako na lang ang pupunta riyan sa house mo.”

“Naku huwag!’’ Nabigla niyang sabi.

“Bakit? Parang gulat na gulat ka Jonas?’’

“Wala. Nagulat lang.’’

“Para kang sira.’’

“O sige Kat. Bukas, da­anan kita ng seven.’’

“Okey bye. I love you!’’

“Love you too.’’

Natapos ang pag-uusap nila.

Nagpalakad-lakad sa salas si Jo­nas. Nakaupo sa sopa si Ziarah.

Maya-maya, nagtanong si Ziarah.

“Kuya tatanggapin mo ba ako ritong katulong.’’

Nagulat si Jonas.

“Ha? A e oo pero may problema e.’’

“Ano ‘yun Kuya?’’

 (Itutuloy)

Show comments