^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (1)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

BIGLANG umuwi ng pro­binsiya si Jonas. Na­matay ang kanyang tiyahin na nagpalaki sa kanya. Nag-file siya ng ilang araw na leave sa pinapasukang engineering firm --- kung saan isa siya sa mga mahuhusay na structural engineer.

Agad siyang bumili ng mga kailangan para sa burol ng kanyang pinakamamahal na tiyahin na ina na ang turing­ niya. Kung hindi dahil sa kanyang Tiya Aurora ay hindi siya makararating sa kinalalagyan niya ngayon. Dalawang taong gulang siya ng kupkupin ng kanyang Tiya Aurora na noon ay may dalawang anak. Sabay namatay ang kanyang mga magulang nang malunod habang nasa kasagsagan nang malakas na bagyo. Nakaligtas siya sapag­kat inihabilin siya ng mga ma­gulang sa kanyang Tiya Aurora habang nagtatrabaho ang mga ito sa bukid.

Itinuring siyang parang tunay na anak ng kanyang Tiya Aurora. Pinag-aral hang­gang sa makatapos ng Engineering. Palibhasa ay matalino, agad nakapasa sa board at naka­pagtrabaho sa isang mala­king engineering firm. Nang sumasahod na siya nang ma­laki, bi­nibigay niya ang kalahati niyon sa kanyang Tiya Aurora. Buwan-buwan ay umuuwi siya sa probinsiya para dalawin ito. Ipina-renovate niya ang bahay nito. Lahat nang gusto ng kanyang Tiya Aurora ay ibinigay niya bilang pagtanaw ng utang na loob.

At ngayong pumanaw na ito, malungkot na malungkot siya. Iniwan na siya ng itinu­ring na ina.

Nang mabili na niya ang lahat nang kailangan, humanda na siya sa pag-alis.

Hanggang sa maaalala niya ang siyotang si Katrina. Nagpaalam siya rito.

‘‘Pauwi ako ng province Kat. Namatay ang auntie ko. Paalis na ako ngayon.’’

“Sasama ako, Jonas!’’

“Huwag na. Malayo ang bi­yahe. Magtawagan na lang tayo, okey?’’

“Ang daya nito! Kailan ka babalik?’’

“Next week.’’

“Sige, ingat ka.’’

Umalis na si Jonas.

Nang dumating siya sa probinsiya nakaburol na ang tiyahin sa bahay nito. Hindi niya naitago ang labis na kalungkutan sa pagpanaw ng ‘‘ina-inahan’’ at humagulgol siya ng iyak. Halos hindi siya umaalis sa tabi ng kabaong ng kanyang Tiya Aurora.

Sa araw ng libing ay lalo pang umiyak si Jonas. Mahal na mahal niya ang nakagisnang ina.

Mahigit isang linggo siya sa probinsiya. Bago umalis patungong Maynila, dinalaw niya ang libingan ng kan­yang Tiya Aurora at nagpaalam.

Pagkatapos ay dumiretso na siya pauwi ng Maynila.

Payapa siyang nagmama­neho nang bigla niyang ma­kita ang isang babae na pumapara sa tabing kalsada.

(Itutuloy)

vuukle comment

APARADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with