^

Punto Mo

72-hours window policy sa airport inalis na

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

WALA na ang ultimatum regarding sa 72-hour window policy sa mga foreign nationals na aalis ng Philippines my Philippines at sa mga international airports na dadaan para makabalik sa kanilang mga lugar.

Bakit?

Tinanggal na ng gobierno ito!

Sabi nga, lahat ng mga pasahero kahit na ano pa ang pagkatao nito maliban sa mga Filipino tourist ay maaari nang umalis ng Philippines my Philippines. 

Ang mga inbound international passengers ay papayagang makapasok sa airport subject to strict immigration at quarantine protocols.

Ang mga pasahero galing sa Italy at Iran ay kailangang magpakita ng  medical certificates of good health na validated ng kanilang mga Embahada bago sila payagan makapasok sa atin. 

Ang sweeper flights sa mga foreign nationals na magdadala sa kanila sa airport ay papayagang magpatuloy ng operasyon. 

Isang tao lamang ang papayagan na maghatid ng pasahero sa airport. 

Sabi nga, pagkahatid at pagbaba ng pasahero sa dropping off,  kailangang umalis na ang driver.

Ika nga, wala nang drama. Hehehe!

Kailangang may dala silang kopya ng airline ticket ng pasahero bilang katibayan sa ginawang paghahatid nila dahil baka masita sila sa checkpoints. 

Kambiyo issue, nagpalabas ng bagong kautusan ang pamunuan ng MIAA, na nagbigay hudyat sa mga airport accredited metered taxi at coupon taxi na mag-operate na sila sa mga terminals sa NAIA.

Kamakailan ay pinagbawalan ang mga ito na kumuha o magsakay ng pasahero sa NAIA terminals kaya naman nag-reklamo ang mga pasaherong dumarating galing abroad lalo’t iyong mga walang sundo dahil wala silang masakyan para ihatid sila sa kanilang port of destination.

Bukod pa dito, paano ang kanilang mga dalang bagahe ?

Sabi nga, bubuhatin ba nila ito at maglalakad pauwi ng kanilang haybol ?

Sinabi ni MIAA general manager Ed Monreal, na ipinagbigay alam nila sa mga operators ng accredited NAIA taxis na puede na silang pumila at bumiahe para may masakyan ang mga pasahero dito.

Basta huwag nilang sisingilin ng malaki.

Ika nga, dapat patas lang !

Bukod dito, sinabi ni Monreal, na pinayuhan nila ang mga taxi drivers na iwasan ang pagdaan sa EDSA.

vuukle comment

72-HOURS WINDOW POLICY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with