^

Punto Mo

Pananampalataya ang panlaban sa takot na likha ng COVID-19

USAP TAYO - Pastor Joey Umali - Pang-masa

DATI, kinatatakutan ng lahat ang pagkamatay ng marami at pagkawask ng ekonomiya ng daigdig kung sakaling sumiklab ang Ikatlong Digmaang Pandaigdig na kasasangkutan ng mga armas na atomiko at nuklear. Walang sinumang nag-akala na ang malawakang pagkawasak na ito’y maaaring mangyari sa pamamagitan ng isang sakit. Tayong lahat ay nagulantang sa pandaigdigang epekto ng coronavirus o COVID-19 sa buhay ng tao at sa ekonomiya ng buong daigdig.

Itinaas na ng Word Health Organization (WHO) sa pinakamataas na antas ang epidemic alert nito para sa COVID-19. Ang tatlong pinakamakapangyarihang bansa sa Asya ang unang naapektuhan ng mapaminsalang virus—ang China (kung saan ito nagsimula), South Korea at Japan. Apektado na nito ang lahat ng kontinente ng daigdig.

Sa larangan ng ekonomiya, bagsak ang stock market at turismo. Maraming kompanya ang napipintong magsara.  Sinasabing ibinaba ng Apple Company ang income projection nito dahil sa nagsarang mga pagawaan ng telepono sa China. Dito sa atin, iniulat na magtatanggal ang Philippine Airlines ng mahigit sa 300 empleyado dahil sa pagbagsak ng turismo. Ayon sa mga economic experts, malapit nang mapantayan ang naganap na pandaigdigang krisis sa ekonomiya noong 2008. Ang problema, isang taon pa ang ating hihintayin bago makagawa ng bakunang panlaban sa coronavirus. Kaya may basehan ang matinding pandaigdigang pagkatakot.

Sa ibang bansa, wala nang mabiling face masks dahil pansamantalang itinigil ng China ang pag-e-export ng mga ito. Talaga pa lang ang China ay makapangyarihang bansa, sapagkat umaasa sa China ang buong mundo sa maraming pangangailangan nito. Kapag ang China pala ay nagkasakit, kaya nitong hawahan ang lahat ng mga bansa sa daigdig.

Narito ang isa pang katotohanan—ang ipinagmamalaking progreso ng mayayamang bansa ay maaaring mawala sa isang kisap-mata.  Wika nga ng Greek Philosopher na si Heraclitus, “Walang permanente sa mundo kundi ang pagbabago.” Ang mga nangyayari sa mundo ngayon ay mga pagbabagong lumilikha sa sangkatauhan ng matinding pagkatakot. Dahil sa COVID-19, lalong tumaas ang takot ng tao sa kamatayan at sa walang-katiyakang kinabukasan.

Sa pagpapasinaya kay Franklin Roosevelt bilang Presidente ng America noong 1933, sinabi niya na walang “dapat katakutan kundi ang takot mismo.” Ito ang matinding kalaban natin ngayon, ang takot sa maaaring mangyari sa kinabukasan.

Ano ang panlaban natin sa takot? Armas ba? Minsan, sinabi ni Jesus sa takot na takot na mga alagad, “Huwag kayong matakot.  Sumampalataya kayo sa akin.  Sumampalataya rin kayo sa aking Ama.”

Ang pananampalataya ang tanging panlaban natin sa takot. May magandang depinisyon ang Hebreo 11:1 tungkol sa pananampalataya.  Ganito ang wika, “Ang pananampalataya ay ang pagiging tiyak sa mga bagay na inaasahan at paninindigan sa mga bagay na hindi nakikita.” Dahil sa pananampalataya, maaari pa rin tayong umasa na magiging maliwanag ang kinabukasan sa kabila ng madilim na kasalukuyan.  Dahil sa pananampalataya, maaari tayong manghawakan sa mga bagay na wala pa.  May kasabihan na, “To see is to believe.” Ngunit sa isang sumasampalataya ay baligtad, “To believe is to see.”  Kapag may pananampalataya ka, makikita mo ang mga bagay na hindi kaagad nakikita ng mga mata.”  Kapag may pananampalataya ka, ang pag-asa ay bumabalong sa iyong puso na katulad ng isang bukal.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with