Halamang 2 taon nang inaalagaan ng babae sa California, plastic pala!
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - March 7, 2020 - 12:00am

MAIKLI lamang ang itinatagal ng buhay ng mga halamang inaalagaan sa loob ng bahay kaya naman buong pagmamalaki ng taga-California na si Caelie Wilkes na matapos ang dalawang taon ng pag-aalaga sa kanyang inaalagang halaman sa loob ng kanyang tahanan ay buhay na buhay pa rin ito.

Pero nadismaya si Wilkes nang madiskubre niyang gawa pala sa plastic ang halamang inaruga niya ng dalawang taon.

Nalaman lamang ito ni Wilkes matapos niyang ilipat sa bagong paso ang “halaman”. Sa halip kasi na mga ugat ay isang bloke lang ng styrofoam ang natagpuan niya sa ilalim nito.

Sa pamamagitan ng isang social media post ay ipinahayag ni Wilkes ang kanyang panghihinayang sa pag-aalaga para sa plastic na halaman.

Bukod kasi sa walang sawang pagdilig araw-araw ay hindi rin niya nakakaligtaan na hugasan ang mga dahon ng plastic na halaman.

Nag-viral naman ang post ni Wilkes, na umani ng higit isang libong likes at halos pitong libong shares.

Marami rin ang nagkomento na nakikisimpatiya sila kay Wilkes, na pabirong nagbahagi na pakiramdam niya ay pulos kasinungalingan lang ang nakalipas na dalawang taon.

 

CALIFORNIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with