^
EDITORYAL - Marami pang âbuwayaâna natakam sa âpastillasâ

EDITORYAL - Marami pang ‘buwaya’na natakam sa ‘pastillas’

(Pang-masa) - March 5, 2020 - 12:00am

HINDI pa tapos si President Duterte sa mga “buwaya” na nakinabang sa “pastillas” modus sa Ninoy Aquino International Airport. Noong Martes, sinabi ng Presidente na marami pa siyang sisibakin at kabilang dito ang ilang “brod” niya sa fraternity.

Wala aniya siyang magagawa kundi gawin ang nararapat.

Marami pa aniyang masisibak dahil sa nabulgar na “pastillas”.

May sinibak nang 19 na opisyal at tauhan si Duterte makaraang mabulgar ang “pastillas” modus. Binigyan naman niya ng pagkakataon si

Immigration Commissioner Jaime Morente na linisin ang tanggapan.

Noong nakaraang linggo, binalasa ni Morente ang may 800 personnel ng Immigration sa NAIA at meron pa raw susunod. Magandang hakbang ang ginawang ito ni Morente. Pero mas maganda kung isasailalim din sa “lifestyle check” ang mga personnel ng BI.

Dito makikita ang klase ng buhay ng mga “buwaya”.

Nadiskubre ang ‘‘pastillas’’ ng isang Immigration employees ang nagsiwalat na madaling nakakapasok sa bansa ang mga Chinese na magtatrabaho sa Philippine Offshore and Gaming

Operators (POGOs) kapalit ng pera. Bawat Chinese ay hinihingan ng P20,000 para makapasok nang walang kuskos-balungos. Nangyayari ang modus sa NAIA Terminal 1 at 3. Dumagsa ang Chinese workers sa POGOs noong 2017.

Pero bago pa ang “pastillas” hinuhuthutan din ng mga corrupt sa Immigration ang mga South Koreans.

Noong Marso 6, 2019, 15 South Koreans ang pinigil ng Immigration officials sa Angeles City, Pampanga dahil sa overstaying. Tinakot ng mga BI officials ang mga Koreano na ikukulong kung hindi magbibigay ng P280,000 hanggang P1 milyon. Tinatayang P9.4 milyon ang nakuha ng Immigration officials sa mga Koreano.

Balasahin pa at imbestigahan ang mga ‘‘buwaya’’sa Immigration. Matutuwa ang mamamayan kung marami pang malalambat na ‘‘buwaya’’. Lipulin na ang mga ito.

PASTILLAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with