^

Punto Mo

Tenant, maaari bang paalisin ng bagong may-ari ng inuupahang lupa?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Inuupahan lang po namin ang lupang kinatitirikan ng aming tindahan. Nalaman namin na naibenta na po ito sa iba nang padalhan kami ng bagong may-ari ng demand letter na nagpapaalis sa amin sa loob ng thirty days. Maari po ba kaming paalisin kahit may ilang buwan pa po ang natitira sa aming kontrata?

Lanie

Dear Lanie,

Hindi ka maaaring paalisin kung Php 10,000 o pababa ang buwanang renta mo alinsunod sa Rent Control Act na nagbabawal sa orihinal na nagpapaupa o sa bagong may-ari na paalisin ang isang tenant sa kadahilanang may bago nang nagmamay-ari ng property.

Kung mas mataas naman sa Php 10,000 ang renta mo kada buwan ay maaari ka lamang paalisin kung hindi nakarehistro sa Registry of Deeds ang iyong lease contract. Nakasaad kasi sa Article 1648 ng ating Civil Code na kapag nakarehistro ang isang lease contract sa Registry of Deeds ay saka lamang nito maaring maging saklaw ang mga third persons o iyong mga indibidwal na hindi naman pumirma sa nasabing kontrata.

Ang isang kontrata kasi ay may bisa lamang sa pagitan ng mga partidong nagkasundo na pasukin ito; hindi ito maaring makaapekto sa mga indibidwal na hindi naman naging bahagi ng naging kasunduan. Dahil hindi naman siya naging bahagi ng lease contract ay maari kang paalisin ng bagong may-ari ng property, bukod na nga lang kung naiparehistro mo ito sa Registry of Deeds alinsunod sa Article 1648 ng Civil Code.

Ngunit kahit anuman sa dalawang sitwasyong nabanggit ang applicable sa iyo ay tandaan mo na hindi kayo maaring  paalisin ng puwersahan sa puwesto ninyo kung may hindi kayo pagkakaunawaan ukol sa isyu ng pag-okupa sa lupa. Kailangan munang may maisampang reklamo sa korte para sa ejectment bago kayo puwersahang mapaalis sa property na hawak n’yo ngayon bunsod ng inyong lease contract.

vuukle comment

LUPANG KINATITIRIKAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with