^

Punto Mo

62-anyos, nag-‘planking’ ng higit 8 oras para sa world record

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAKUHA ng 62-anyos na dating US Marine na si George Hood ang world record para sa pinakamatagal na pag-“planking” na ginawa ng isang lalaki.

Ginawa ni Hood ang planking position sa pamamagitan ng pagdapa habang ang katawan niya ay bahagyang nakaangat mula sa lapag gamit ang kanyang mga siko at paa.

Napanatili ni Hood ang posisyon niyang ito sa loob ng 8 oras at 15 minuto, na mas matagal ng 14 minuto na itinala ng isang taga-China noong 2016.

Dati na niyang naitala at hawak ang nasabing world record kaya nag-ensayo talaga siya araw-araw para mabawi ito.

Sa 4-5 oras araw-araw na pag-e-ensayo ay tinatayang higit 2,000 oras ang ginugol ni Hood sa paghahanda para sa kanyang world record attempt.

Hindi pa nakuntento si Hood nang makuha na niya ang world record dahil nag-push-ups pa siya ng 75 beses matapos ang kanyang higit walong oras na pagpla-planking.

vuukle comment

GEORGE HOOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with