^

Punto Mo

Trahedya sa lansangan at ang mga adik na driver

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Talagang walang humpay ang malalagim na aksidenteng nagaganap sa mga lansangan.

Matapos ang pag-aararo ng isang jeepney sa mga estudyanteng tumatawid sa pedestrian sa Makati City kung saan isang 13-anyos na mag-aaral ang nasawi, noon namang nakaraang Martes  sa San Jose Del Monte sa Bulacan ay kitang-kita kung paano naman sinuwag ng isang rumaragasang 10-wheeler trak ang mga nakatayong tindahan, mga kabahayan at mga sasakyan.

Nasawi sa insidente ang mag-ina, habang 12 pa ang nasugatan.

Halos kahawig din nang naganap sa Makati ang driver ng jeepney at ang driver ng trak na sangkot sa aksidente sa Bulacan eh, parehong nagdo-droga  ang mga buwisit.

Biruin ninyong isang estudyante ang nasawi sa Makati, isa pang kamag-aral ang nasa kritikal pang kondisyon habang ilan pa ang nasugatan habang sa naganap sa Bulacan, mag-ina ang nagbuwis ng buhay at maraming nawasak na ari-arian dahil lamang sa mga kumag na mga driver na ito.

Nandamay pa sa kanilang kagaguhan.

Nawala o natigil ang requirement na drug test sa mga kukuha ng lisensya, kasi nga pinagmulan naman ito ng matinding korapsyon. Pinagkakitaan nang husto.

Ang siste, ayun nga hindi na nasasala ang mga nag-aaplay ng lisensiya.

Hindi natutukoy at nakakalusot ang mga adik na driver na naghahasik naman ng lagim sa mga lansangan. 

Matapos ang ganitong mga aksidente, nagsasagawa ng mga sorpresang drug test ang mga kinauukulan at awtoridad sa mga driver ng pampasaherong sasakyan, at ayun sangkaterba ang nagpopositibo sa paggamit ng ilegal na droga.

Ito ngayon ang dapat na mabusisi, baka nga isa yan kaya sunud-sunod ang mga aksidente sa lansangan dahil maraming driver ang lulong sa ilegal na droga.

Hindi napapansin at malalaman na lamang kapag nasangkot na sa malalagim na trahedya o aksidente sa lansangan.

vuukle comment

DRUG TEST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with