^

Punto Mo

Masugid na ‘superfan’ ni Trump, dinadasalan ang kanyang rebulto sa India

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

UPANG ipagdiwang ang napipintong state visit sa India ng Presidente ng United States sa susunod na linggo, regular nang dinadasalan ng die-hard Donald Trump fan na si Bussa ang life-sized na rebulto ng US President na nasa kanyang tahanan.

Mismong ang 33-anyos na si Bussa ang gumawa sa istatwa ni Trump – na dinadasalan niya ng Hindu prayer ritual na “pooja” sa mismong bakuran ng kanyang tahanan sa distrito ng Jangaon sa Tela-ngana, India.

“Trump sir, you are my god,” usal pa ng “deboto” ng US President sa harap ng istatwa nito habang ginagawa ang Hindu ritual.

Maraming fans si Trump sa India lalo na sa mga tinatawag na Hindu nationalists na gusto ang kanyang mga pananalita na laban sa mga Muslim.

Inaasahang aabot sa 110,000 katao ang sasalubong kay Trump sa pagbubukas niya ng Sardar Vallabhbhai Patel stadium, ang pinakamalaking cricket venue sa mundo bilang bahagi ng kanyang pagbisita sa India.

vuukle comment

DONALD TRUMP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with