BPO mananagot

PINALAGAN ng Gabriela partylist ang karamihan sa mga BPO firms at ang IBM Nuvali sa Sta. Rosa, Laguna na may 20 kilometro ang layo sa Taal kaya tinatawagan nila ang gobierno upang ipatupad ang Occupational Safety and Health Standards Law at parusahan ang mga kumpanya na lumabag sa mga pamantayan at kaligtasan dahil inilalagay nila ang buhay ng mga workers sa panganib.

Naku ha!

Ano ba ito?

Gustong palalain este mali ipinaalala pala ng Gabriela sa BPO firms, pati na rin sa lahat ng mga may negosyo sa Philippines my Philippines na ito ay isang occupational safety and health issue.

Ayon sa Section 6 ng Occupational Safety and Health Law o RA11058, ‘The worker has the right of refusal to wok without threat or reprisal from the employer if, as determined by the DOLE, an imminent danger situation exists in the workplace that may result in illness, injury or death.’

Ang mga BPO firms na nabibigo para  sumunod sa OSH standards ay dapat na managot para sa di-pagsunod sa kaligtasan ng mga manggagawa at naglalagay sa kapahamakan ng mga ito.

• • • • • •

PR ng DTI at mga ganid?

Umarangkada na naman sa pagkasuwapang ang ilang negosiante matapos sipain pataas ang kanilang mga nilalako o ibinebentang produkto.

Tulad ng face mask na binirit ng mga suwapang ang presyo nito.

Sabi nga  may nagbebenta ng P300 each mask?

Naku ha!

Hirap na ang mga nabiktima ng pagsabog ng Taal volcano sinasamantala pa ng mga kumag.

Sana kayo ang ma - karma at paghirapin kayo ni Lord.

Amen!

Ang sinisisi natin dito ang mabagal na aksyon ng DTI pinahirit muna nila ang mga kunag at saka nagsama ng media para magpa-pogi?

Kaya naman nagpalakpakan ang madlang Pinoy ng ihayag na kakasuhan ang mga nagsamantala.

Sabi nga, NBI ang magkakalkal at magsasampa ng kaso !

Para sa DTI kung puro kayo praise release lumayas na kayo sa tanggapan ninyo!

Abangan.

Show comments