^

Punto Mo

2 snatchers sa Spain tiklo matapos habulin ng pulis na champion sprinter pala

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HINDI umubra ang dalawang snatchers sa Spain na tinangkang tumakbo matapos mang-agaw ng bag na may lamang 3,000 euros (katumbas ng P171,000) matapos silang tugisin ng isang pulis na isa palang kampeon sa sprinting.

Inagaw ng dalawang magnanakaw ang bag mula sa isang lalaki na kagagaling lang sa banko sa lungsod ng Seville.

Noong una ay nasa sasakyan pa ang dalawa ngunit nang mapansin nilang sinusundan na sila ng mga police mobile, nagpasya ang mga snatcher na bumaba at tumakbo na lang.

Isang malaking pagkakamali ang kanilang naging pasya dahil isa sa mga tumutugis sa kanila ay isang world-record-holding relay runner, na isa ring Spanish champion na nakapagtala na ng European masters record para sa 400 meters.

Kaya naman hindi napigilan ng pulis, na kinilala lamang sa mga ulat sa pangalang Sergio, na sabihan sa Espanyol ang mga snatcher ng “Malas n’yo na lang” nang abutan niya ang mga ito.

vuukle comment

SNATCHERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with