^

Punto Mo

Kung pinagsarhan ka ng pintuan…

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

WALA siyang hilig sa sports pero sinubukan niyang mag-tryout para sa javelin throw, dahil ang mapipili raw ay sasanayin para maging propesyunal na javelin thrower at pagkakalooban ng college scholarship. Graduating na siya noon sa high school.

Palibhasa ay desididong magkaroon ng scholarship, nakapasa siya. Isa siya sa tatlong napili para sumailalim sa training. Gumugugol siya ng anim na oras na practice kada araw hanggang sa minsan ay nagkaroon siya ng injury sa balikat. Napunit ang ligaments niya sa balikat. Nawalan na ng lakas ang kanyang braso para maghagis ng napakabigat na six-foot long spear. Kasabay ng bali sa balikat ay nagwakas na rin ang kanyang javelin throwing, scholarship at pangarap na makaahon sa hirap. Minsan ay naitanong niya sa sarili: Bakit hinahayaan ng Diyos na malasin ang isang mabuting tao?

Pagka-graduate sa high school ay nagtrabaho siya sa isang pabrika. Isang araw ay nilapitan siya ng isang kasamahan sa trabaho na mahilig mag-extra sa mga pelikula. Humihingi ito ng opinyon kung paano idedeliber nang tama ang kanyang kaisa-isang dayalog pero may kahabaan. Noon siya nagkaroon ng ideya na pasukin ang acting. Nag-enrol muna siya sa acting school. Iyon ang naging simula ng kanyang paglalakbay tungo sa pag-aartisa.

Ang naging screen name niya ay Michael Landon. Nagkaroon siya ng malalaking break sa TV. Ang isang sikat na TV drama na sinalihan niya ay Little House on the Prairie kung saan gumaganap siya ng major role: ama ng bida.

Sumikat na siya, umasenso pa ang buhay niya dahil sa pag-aartista. Kung natuloy siyang maging javelin thrower, may posibilidad na sumikat siya, pero maging maluwag financially, wala iyong kasiguruhan. Huwag malungkot kung pinagsarhan ka ng pintuan, minsan, mayroon pa namang bintana na puwede mong daanan.

vuukle comment

JAVELIN THROWER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with