One-strike policy sa riding-in-tandem
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - December 23, 2019 - 12:00am

Pinag-aaralan ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang  pagpapatupad sa one-strike policy sa mga commanders na  malulusutan o madalas na pagsagawaan  nang atake ng riding –in -tandem criminals.

Hindi naman kasi maitatago ang pamamayagpag at serye nang pag-atake ng mga riding-in- tandem na kawatan.

Wala nang pinipiling oras ang mga ito na tila walang katakut-takot sa kanilang pag-atake.

Lubhang nakakaalarma na naman ang tila pagpaparamdam ng mga tandem criminals.

Mula sa mga serye ng holdap, nandyan din ang pagkilos  ng mga ito maging sa mga isinasagawang pagpaslang.

Lalo na nga ngayong panahon, mistulang nakaabang na ang mga ito sa kanilang bibiktimahin.

Nakapanlulumo na sa ilang naganap na mga panghoholdap, hindi  lang basta kukunin ang kanilang pakay na pera, kundi sinasaktan, binabaril pa ang kanilang mga binibiktima.

Ang ilan sa mga nagwi-withdraw sa banko nakaabang.

Kaya nga mas kailangan ang matinding police visibility sa mga lansangan para mabantayan ang ating mga kababayan sa pagsalakay ng mga kawatan.

Kasi nga parang hinahamon na ng mga kriminal na ito ang  ating kapulisan dahil patuloy silang nagtatagumpay sa kanilang mga pagsalakay.

Maglagay din ng mga checkpoint at chokepoint sa mga estratihikong lugar.

Siyempre pa iba na rin ang may nakikitang nakabantay na mga pulis.

Pero kung palagi na lang na nalulusutan, ibang usapan na yan.

Baka may kapabayaan o  kaya ay nagtutulog sa pansitan!

 

 

ONE-STRIKE POLICY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with