Kapag magkaaway ang mag-asawa
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - December 15, 2019 - 12:00am

ISANG araw, nagkaroon ng matinding away ang mag-asawa. Hindi sila nag-iimikan ng ilang araw. Nagpapatigasan sila. Walang gustong magbaba ng pride. Pangkaraniwan nang tumatagal ng ilang linggo ang pag-iisnaban kapag may nangyaring malaking away. Ipinagluluto naman ni Misis si Mister at patuloy pa rin ang pag-aasikaso dito pero hindi nagsasabay ng pagkain dahil hindi nga nag-uusap.

Dumating ang sandaling may business trip si Mister sa abroad at kailangang nasa airport na ng 5:00 a.m. Daig pa niya ang mantika kung matulog. Walang epekto sa kanya ang alarm clock. Kailangan talaga ay gigisingin siya ng isang tao. Nasa Tagaytay ang kanilang tatlong anak dahil may spiritual retreat ang Catholic school na pinapasukan ng mga ito. Ang maid nila ay nagbabakasyon sa probinsiya. Sila lang mag-asawa ang magkasama sa bahay. Nakaisip si Mister ng paraan kung paano makisuyo kay Misis na gisingin siya nang hindi na kailangang kausapin ito. Isinulat niya ang kanyang mensahe sa papel at ipinost ito sa mirror ng tokador.

Please wake me up at 2 a.m. or I will miss my flight.

Tapos natulog na siya. Kinabukasan, halos mahulog siya sa bed nang pagdilat ng kanyang mata ay tirik na ang sikat ng araw. Alas-otso na ng umaga nang siya ay magising. Nag-init ang kanyang ulo. Susugurin na niya si Misis na nasa kusina nang may makita siyang mensahe na naka-post sa mirror ng tokador.

Gising na, 2 a.m. na!

“Communication is the fuel that keeps the fire of your relationship burning, without it, your relationship goes cold.”--William Paisley

MAG-ASAWA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with