^

Punto Mo

Pinoy athletes over-all champion sa 30th SEA Games

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

MUKHANG natikop ang bibig ng mga kritiko sa pagdaraos ng Philippines my Philippines sa SEA Games?

Bakit?

Hirap yatang bilangin ng mga critics ang mga ginto, silver at bronze na nakuha ng nga atletang Pinoy sa mga palaro?

Sabi nga, mukhang nakatulog sila sa dami ng mga medals na inakyat para sa Philippines my Philippines.

Sa mga paninira na ginawa ng mga kontrabida sa mga organizers at ang ipinagawang kaldero para sa SEA Games ginanahan yata ng husto ang Pinoy players sa kanilang laro kaya parang sinasandok nila ang iba’t ibang klase ng nedalyang kanilang napanalunan.

Sabi nga, 113 gold medals ang nasungkit ng mga Pinoy players kumpara noong 2005.

Tuloy sa determinasyon ng mga atletang Pinoy at pagsisikap ng Duterte administration, Philippine South East Asian Games Organizing Committee  sa pangunguna ni House Speaker Alan Cayetano at iba pang sports officials, natupad ang pangarap ng madlang Pinoy na makuha ang korona sa patapos na 30th South East Asian Games.

Sabi nga, hindi ito panaginip!

Hindi sila hihinto sa 113 gold medals dahil marami pang sports events ng ating mga manlalaro kasama na ang boxing at iba pang sports events. 

Sabi nga, ganado at inspirado ang madlang Pinoy players.

Bakit? 

Dahil sa mga world class facilities na itinayo ng gobierno ni Boss Digong para sa SEA Games.

Panawagan natin sa mga bashers at mga pumupuna bakit di ninyo isama sa pinapasalamatan ngayon ang mga organizers ng SEA games pati ang mga volunteers na nagsakripisyo para maidaos ng maayos ang palaro.

Sabi nga, dapat good news na at wala ng bad news

Alam ninyo bang giniba ng PH men’s volleyball team ang paghahari ng Thailand sa SEAG volleyball event. 

Sabi nga, tayo ang gold medal !

Ano pa inaantay ninyo ?

Palakpakan ng ubod ng lakas ang mga manlalarong Pinoy sa 30th SEA Games.

Sabi nga  We WON as one !

Bakit ?

Dahil tayo ang number 1 !

* * *

Baby girl sinakal ng panty 

Naggagalaiti sa gigil ang mga taga - NAIA na nakakita sa sanggol na pinatay sa sakal ng kanyang ina gamit ang panty nito.

Sabi ng mga galit sa ina ng sanggol na sinakal ‘masunog ka sana, animal !’

Ang sanggol ay pinilit ipasok sa plastic bag matapos itong patayin ng kanyang ina at itinapon sa isang basurahan sa loob ng banyo sa NAIA Terminal 3.

Maraming nag-aakala na bagong panganak ang bata dahil naliligo ito sa dugo ng madiskubre.

Ang mga opisyal sa airport kabilang si MIAA general manager Ed Monreal at Connie Bungad, tagapag-ayos nito este mali tagapag-salita pala ng paliparan ay galit na galit sa pumatay sa baby girl.

Iniutos ni Monreal, sa kanyang mga tauhan na rebiyuhin ang mga CCTV footages na malapit sa pinangyarihan lugar para malaman ang mga bebot na pumapasok at lumalabas sa kubeta kamakalawa ng umaga.

Mahuli kaya ang suspect ?

Abangan.

vuukle comment

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with