^

Punto Mo

Sugar Mommy (231)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINABUKASAN, dating gawi uli si Jericho. Nagpahatid uli siya kay Sammy sa malapit sa kubo ni Jane para mag-obserba sa galaw ni Jane. Malakas ang kutob niya na mayroon siyang magandang matutuklasan kay Jane sa araw na iyon.

“Mag-ingat ka, Jericho. I-text mo na lang ako kung kailan ka magpapasundo.’’

“Okey Sammy. Saan mo balak tumambay ngayon?’’

“Baka dun na lang muna ako sa labasan. Malay mo bigla akong arkilahin uli ng dalagitang kasama ni Jane. Baka mayroong dadalhing paninda sa bayan.’’

“Sige mabuti pa nga doon ka na lang sa labasan. Isa pa, kung bigla akong magpasundo sa’yo e nasa malapit ka.’’

“Kapag inarkila uli ako, iti-text kita para alam mo.’’

“Sige, Sammy, ingat ka.’’
“Ingat ka rin sa pinagtataguan mo at baka may kobra na matapakan ka.’’

“Salamat.’’

“Siyanga pala, mag-iisip din ako ng paraan kung paano makakapasok sa bahay ni Jane.’’

“Sige Sammy.’’

Nagmanman muli si Jericho. Excited siya kung anong aktibidad ang gagawin ni Jane.

Makalipas ang ilang minuto, nakita niya na lumabas si Jane. May dalang mahabang itak.

Tinungo ang sagingan (mga saba) na nasa di-kalayuan at malapit sa pinagkukublihan ni Jericho.

Nakita ni Jericho kung paano tibain ni Jane ang puno ng saging na saba para makuha ang bunga. Sanay na sanay sa pagtiba. Kabisadung-kabisado kung paano tumaga.

Hanggang sa makaipon nang maraming saging. Sunod na ginawa ay inalis ang mga bunga sa buwig. Sanay na sanay din sa pag-alis sa buwig. Nang matapos ay tinawag ang dalagita. Inuutusan. Nahulaan ni Jericho na dadalhin sa bayan ang saging at kailangang umarkila ng traysikel. Umalis ang dalagita.

Makaraan ang 15 minuto, nakita ni Jericho ang pagdating ng traysikel ni Sammy. Inarkila muli ng dalagita. Nakita niya na kinausap ni Sammy si Jane.

Napapangiti si Jericho habang pinanonood ang nangyayari.

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with