Sugar Mommy (229)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - December 8, 2019 - 12:00am

“PERO ingatan mo lang na maghinala yung dalagita. Baka kasi mahalata na nag-iimbestiga ka, Sammy,” sabi ni Jericho.

“Ah oo. Mag-iingat ako. Hindi ako mahahalata.’’

“Para tayong NBI ano, Sammy. Nag-iim-bestiga sa hindi naman nating malaman na dahilan.’’

Nagtawa si Sammy.

“Oo nga Jericho. Ngayon lang ako nakarinig ng ganito na nag-iimbestiga sa wala namang krimen. Kakaiba, ha-ha-ha!’’

“Alam mo minsan, gusto ko nang lumantad at sabihin kay Jane na ‘eto na ako’ pero hindi ko magawa. Gusto ko matupad muna ang misyon na pagmamanman at pag-iimbestiga.’’

“Sige lang Jericho, ituloy mo na ang unang plano. Wala namang masama sa ginagawa mo. Ang masama ay kung may napeperwisyo.’’

“Basta, tulu-ngan mo ako Sammy. May regalo ka sa akin kapag natulungan mo akong matapos ang aking misyon.’’

“Salamat Jericho.’’

“Ano ba ang gusto mong regalo kung sakali? Malay mo baka maibigay ko agad kahit hindi pa tapos ang misyon.’’

“Gusto ko sanang ma­kapagtrabaho para maiba naman ang buhay. Nakakasawa na rin yung pagtatraysikel. Gusto ko yung may regular na kinikita para naman matulungan ko si Inay. Baka may alam kang mapapasukan ko.’’

Nag-isip si Jericho.

Pagkatapos ay tina­nong si Sammy.

“Teka, ano ba ang natapos mo?’’

“Tapos ako ng automechanic at nakapasa na rin ako sa TESDA. Kaya lang mailap ang trabaho.’’

Napamulagat si Je-richo.

“Mekaniko ka, Sammy?’’

“Oo. Bakit namang­ha ka yata?’’

“E mekaniko ako e. Chief mechanic ako sa isang magandang kompanya sa Riyadh. Narito lang ako sa Pinas dahil bakasyon ako. Aba e may trabaho ka na kung ganun. Asikasuhin mo ang pagkuha ng passport at pagbalik ko sa Riyadh, kasama ka.’’

Biglang naglulundag sa tuwa si Sammy.

“Hulog ka ng langit sa akin, Jericho! Yuhoooo may trabaho na ako.’’

“Palagay ko mahusay kang mekaniko kaya marami kang kikitain. Basta panatilihin mo lang ang attitude na ‘yan.’’

“Oo, Jericho.’’

(Itutuloy)

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with