^

Punto Mo

EDITORYAL - Arestuhin ang vandals!

Pang-masa
EDITORYAL - Arestuhin ang vandals!

KUMILOS na ang Department of Interior and Local Government (DILG) laban sa vandals na sumisira sa government property. Ipinag-utos ng DILG na arestuhin ang mga mag-i-spray paint sa mga pader o haligi ng mga istruktura sa Metro Manila. Ang utos ni DILG Sec. Eduardo Año ay kasunod ng pagkakaaresto ng mga pulis sa apat na miyembro ng grupong Panday Sining habang sinusulatan ang haligi ng Light Rail Transit (LRT) noong nakaraang linggo. Sabi naman ng PS, ipagpapatuloy daw nila ang ginagawang “art” sapagkat para ito sa publiko. Tuloy daw ang spray paint sa mga pader.

Iniharap kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang 4 na vandals at pinagsabihan ang mga ito. “Winarningan ko na kayo. Nag-abiso na ako. Nanawagan ako na huwag nang uulitin pero inulit n’yo pa rin. Sinusubukan n’yo kung may batas at liderato sa Maynila. Kailangan n’yong harapin ang bisa ng batas.’’

Noong nakaraang buwan, sinalaula rin ng grupong ito ang Lagusnilad underpass sa harap ng Manila City hall. Sinulatan nila ng: PRESYO, IBABA, SAHOD ITAAS; DIGMAANG BAYAN, SAGOT SA MARTIAL LAW; ATIN ANG PINAS, CHINA LAYAS!’’ Pula at itim na pintura ang kanilang ginamit sa pagsusulat.

Nagngitngit si Isko sapagkat kalilinis at kapipintura lamang ng pader at bagong hugas ang flooring ng Lagusnilad. Ipinresenta pa ito ng mayor sa mga taong nagdadaan. Ipinagmalaki na pinagtulungan itong linisin ng mga empleyado ng city hall at engineering office. Pinagtiyagaang kaskasin ang dumi ng pader. Pero makalipas ang isang linggo, ang malinis na pader ay biglang naging marusing. Dahil sa ngitngit ni Isko, nasabi niya na kapag nahuli ang mga nagsulat sa pader, ipadidila niya sa mga ito ang sinulat.

Tama lamang ang utos ng DILG na arestuhin     ang vandals. Hindi na maganda ang ginagawa ng PS. Hindi na ito dapat palampasin pa. Makipaggiyera na sa vandals!

vuukle comment

EDUARDO AñO

VANDALISM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with