Sugar Mommy (224)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - December 3, 2019 - 12:00am

“NAKITA mo ba ang babaing sinusubaybayan mo Jericho?’’ tanong ni Sammy nang makarating na sila sa bahay.

“Oo.’’

“Hindi ka naman napansin?’’

“Sa palagay ko hindi. Medyo malayo ang kinapupuwestuhan ko.’’

“Masuwerte ka dahil wala palang kabahayan sa paligid nang magandang kubo. Nabalitaan ko, ‘yung lugar na iyon ay dating taniman ng saging, niyog at iba pang gulay. Denebelop at pinaganda ng nakabili.’’

“Maganda talaga ang lokasyon, Sammy. Mayroong sapa na napakalinaw ng tubig. Marahil masarap maligo roon.’’

“Hindi ko lang malaman kung ‘yung babaing sinusubaybayan mo ang nakabili o baka may iba pa.’’

“Siya na iyon sigurado – si Jane.’’

“E huwag ka namang magagalit Jericho, dalaga ba si Jane?’’

“Biyuda.’’

“Biyuda?’’

“Oo. May isang anak.’’

Napatango na lang si Sammy at hindi na nagtanong pa.

“Hanga ako kay Jane dahil nakita kong umakyat sa niyog. Talo pa ako.’’

Napangiti si Sammy.

“Basta bukas, ihatid mo uli ako ha, Sammy. Siyanga pala eto ang bayad ko sa iyo. Sinobrahan ko na ‘yan.’’

“Ang dami naman nitong P1,000!’’

“Okey lang ‘yan, Sammy.’’

(Itutuloy)

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with