Maagang pamasko ni Mayor Teodoro sa mga titser!
SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - November 22, 2019 - 12:00am

MAAGANG nagpamudmod ng pamasko si Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro sa mga teacher at workforce ng eskuwelahan, kasama na ang mga kindergarten pupils. Halos isang buwan pa ang Pasko subalit namigay na ng libreng sapatos si Teodoro sa mga titser at empleyado ng eskuwelahan, samantalang ang mga kinder naman ay mga uniporme.

Ang black leather shoes na ipinamigay ni Teodoro ay gawa ng Lara Erika Shoes and Checkpoint Shoes na naka-base sa Marikina. May tig-tatlong pares na sapatos bilang sample na ipinakita sa mga titser at empleyado kung saan mamimili sila ng gusto nila. Inisyuhan naman sila ni Teodoro ng tiket kung saan ipakita lang nila sa City Hall at presto....may sapatos na sila.

May halos 2,846 na teaching at non-teaching personnel sa elementary at high schools sa Marikina, at idagdag pa natin ang 165 na workers dito. Sinabi ni Teodoro na ang mga titser ay parang second parents na ng mga estudyante bunga sila ang tumatayong ama at ina ng mga bata sa eskuwelahan.

“Wala silang sawang nagtuturo at nagpapasensiya sa ating mga anak upang maturuan sila at magkaroon ng magandang buhay balang araw,” ani Teodoro. Ang isang pares ng sapatos ay pasasalamat ng siyudad sa mga masisipag ng guro, kasama na rito ang mga sekyu at mga canteen staff.

May puwang sa puso ni Teodoro itong mga titser dahil siya mismo ay nagtuturo ng Philosophy sa University of the Philippines (UP). Sinabi ni Teodoro na ang pagiging titser ay isang noble profession at malaki ang papel nila para makapag-produce ang siyudad ng mga professionals tulad ng mga doctor, architect, engineer, scientist, journalist, lawyers at iba pa. Hak hak hak! Ano pa ba ang masasabi natin dito kay Teodoro na panay gawa at ‘di ngawa? 

Noong isang linggo naman, nagpamudmod din si Teodoro ng dalawang pares na free school uniforms sa 5,700 kinder students. Ang katwiran ni Teodoro kaya siya namigay ng uniforms ay para maibsan ang gastusin ng mga magulang ng mga bata. Hindi lang ‘yan!

Sinamahan din ni Teodoro ng storybooks ang mga uniforms habang hinikayat niya ang mga magulang na maglaan ng oras sa kanilang mga anak habang sila ay bata pa. Get’s n’yo mga kosa? Hak hak hak! Dapat gayahin ng ibang siyudad sa Metro Manila ang ginagawa ni Teodoro para sumaya ang mga titsers at pupils at ganahan silang pumasok sa eskuwela.


Sinabi naman ni Dr. Elisa Cerveza, school division assistant superintendent ng Marikina na natuwang sobra ang mga titser sa non-monetary support ni Teodoro. Mula nang magturo umano siya sa Marikina, ngayon lang siya nakakita ng city government na nagbigay ng libreng sapatos sa mga guro. “Ang teacher pumapasok araw-araw na naka-uniform at kasama na roon ang sapatos.

At alam naman natin na basta ang sapatos ay gawang Marikina ay matibay at de-kalidad,” ani Cerveza. Idinagdag pa ni Cerveza na feel talaga ng mga tirser ang libreng sapatos na makakatulong para lalong sipagin sila sa trabaho. Abangan!

MARCELINO TEODORO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with