Sugar Mommy (211)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - November 20, 2019 - 12:00am

ISANG balak ang naisip ni Jericho: hahanapin niya ang kinaroroonan ni Jane sa Pinamalayan. Kahit na sinabi sa kanya ni Manong Sixto na ayaw ni Jane na malaman ang kinaroroonan, susuwayin niya iyon. Iyon ang purpose niya kaya pinakiusapan niya si Manong Sixto na huwag mabanggit kay Jane na nagkita sila. Nangako naman ang matanda na ililihim iyon kay Jane. Gusto niyang isekreto ang lahat.

Para may sapat na panahon siya, tinawagan ni Jericho ang mabait na boss na si Abdulaziz at humingi siya ng ilang buwan na extension sa bakasyon. Ginawa niyang dahilan ay ang labis na pangungulila sa asawang namayapa.

Pumayag ang mabait niyang boss. Huwag daw mag-alala si Jericho at kahit ilang buwan ang bakasyon sa Pinas ay okey lang. Nauunawaan daw ni Abdulaziz ang pinagdadaanan ni Jericho.

“Shokran, cather, moder Abdulaziz,” sabi niya bilang pasasalamat sa boss.

“Mafi muskila, Jericho. Take your time. I know your situation. Take care, sadik.’’

Masayang-masaya si Jericho.

Ngayong pinayagan siya ng kanyang boss na makapagbakasyon nang matagal, magagawa niya lahat para makita ang kinaroroonan ni Jane. Maganda raw ang Pinamalayan.

Isa pa, nasasabik na rin siya sa itsura ni Jane. Maganda pa rin kaya. May edad na si Jane.

Nagpasya si Jericho.

Bukas na bukas din ay aalis siya para magtungo sa Pinamalayan. Malalaman niya kung bakit nagpakalayu-layo si Jane.

(Itutuloy)

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with