Consignee, et al huli sa shabu
QUESEJODA - Butch M. Quejada (Pang-masa) - November 14, 2019 - 12:00am

Bilang bahagi ng mandato ng Bureau of Customs (BOC), ang maprotektahan ang mga hangganan ng bansa at suportahan ang digmaan ng administrasyon kontra droga,

Kaya naman, ang Port of NAIA ay nagsagawa ng joint operation kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP) at Manila International Airport Authority (MIAA), para mahuli ang consignee ng 1 kilong shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon sa may Sports Bar, Makati City.

Kinilala ni NAIA Customs District Collector Mimel Talusan, ang mga sinasabing suspek na sina Edison Chua, na nahuli dahil sa isang controlled delivery sa Sports Bar, Makati City at kasama ang isang Brian Bantegui.

Ayon kay Talusan, ang shabu ay nakita noong Nobyembre 6, 2019 sa FedEx warehouse na nakatago at nakasiksik sa loob ng water filter na ipinadala sa consignee from San Antonio, Texas, USA.

Nagsagawa ang Customs personnel nang 100% pisikal na eksaminasyon sa package sa presensya ng mga kinatawan mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Customs Anti-illegal Drugs Task Force (CAIDTF), X-Ray Inspection Project (XIP), Enforcement Security Service (ESS), at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa ginawang pagsusuri lumilitaw na ang shipment ay positibo sa shabu.

Ang consignee at ang 1 kilo ng shabu ay inilipat sa PDEA para sa inquest proceedings sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (Republic Act 9165) na may kaugnayan sa Seksiyon 118 (Ipinagbabawal na Pag-angkat), 1113 (goods liable for seizure ang forfeiture) at 1401 ( unlawful importation) ng Republic Act 10863 o ang Customs Modernization aand Tariff Act (CMTA).

Sa pahayag ni Talusan, ang Port of NAIA ay mananatiling mapagbantay sa pagpigil ng pagpasok ng mga ilegal na droga at mga kontrabando sa bansa.

‘Ang BOC sa ilalim ng pamumuno ng Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero ay magpapatuloy sa pagsisikap at koordinasyon sa kinauukulang ahensiya ng pamahalaan upang matiyak na mahuli ang mga ito at mapatawan ng kaukulang parusa.’ sabi ni Talusan.

Gusto ninyong mahuli?

Magpadala pa!                    

• • • • • •

Speakership of the House

Totoo kayang may problema ngayon si Marinduque Rep. Lord Velasco tungkol sa usapin sa term sharing agreement sa House Speakership nila ni Taguig Congressman Alan Peter Cayetano na si Boss Digong mismo ang nagapruba at namagitan sa dalawang panig.

Sabi nga, si Cayetano muna ang uupo sa 1st 15 months bilang Speaker, at pagkatapos ay si Lord naman sa huling 21 months ng 18th Congress. 

Ika nga, sa panig ni Cayetano natupad ang kanyang pangarap na maging Speaker!

Ang problema ni Lord ay kung matutuloy pa ba ang kasunduan dahil may sinabi si Boss Digong na ayaw na niyabng makialam dito at bahala na ang mga kongresista na pumili ng papalit kay Cayentano.

Sabi nga, “Kung iyan ang usapan, term-sharing, nasa inyo na ‘yan if the parties would honor.”

·Ika nga, it’s your choice and I am not forcing anybody to take a stand. It’s your choice because the agreement and the choice is yours.

Naku ha!

Paano kaya ito?

Totoo kaya ito?

Siempre natuwa ang madlang people at maging si Boss Digong sa naging magadang performance ni Cayetano sa Speakership of the House.

Ika nga, ang Philippines my Philippines at madlang people ang makikinabang sa mga nagawa ni Cayetano.

Ano sa palagay ninyo?

Abangan.

BUREAU OF CUSTOMS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with