^

Punto Mo

Paalaala ng BITAG ngayong Todos los Santos

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

TODOS los Santos. Dahil long vacation, karamihan sa mga taga Metro Manila ay bumibiyahe paprobinsiya pra bumisita sa puntod ng namayapa nilang mahal sa buhay. Wala namang masama dahil kultura’t tradisyon na ito nating mga Pilipino.

Ang problema, sa sobrang excitement at abala, nakakalimot. Nakakaligtaan ang mga pag-iingat na dapat gawin dahil tulad nang laging paalala ng BITAG, sa ganitong panahon din aktibo ang mga dorobo.

Kung aalis man ng bahay para magbakasyon, hangga’t maaari may maiwang mapagkakatiwalaan para magbantay ng inyong tahanan.

Sa mga okasyong ganito madalas sumasalakay ang mga kolokoy dahil alam nilang nakatuon ang pulisya sa mga mas matataong lugar.

Avoid posting your whereabouts on social media. Iyan ang laging babala ng otoridad sa publiko dahil nakakatawag ito ng pansin sa mga kolokoy at nagi-imbita ng mga akyat-bahay. Binibigyan mo lang ng ideya ang mga dorobo na walang tao sa bahay n’yo. Para kang naghain ng palay sa mga manok.

Huwag din papakampanteng ipagkatiwala ang susi ng inyong mga bahay sa kapitbahay. Ika nga nila, trust no one! Dahil yung akala mong maaasahan, bantay-salakay pala.

Sa mga bibiyahe gamit ang kanilang private vehicles, alam niyo ba ang ibig sabihin ng “BLOWBAGETS?” I-check ang battery, lights, oil, water, brake, air, gas, engine, tire, and self.

Nakakatawang pakinggan pero isa itong seryosong paalala na i-check muna ang sasakyan bago lumarga para maiwasan ang aksidente or breakdown sa gitna ng biyahe.

Para naman sa mga magco-commute, maging alerto sa mga makakasalamuha sa dahil may mga kawatan ding nakikipagsiksikan sa mga bus terminal. Hindi man likas na kawatan, kapag nakakita ng oportunidad ay gumagawa na rin ng panlalamang at masama sa kapwa.

Ingatan ang mga dalang gamit. ‘Wag hayaang ilagay ng konduktor ang inyong gamit sa compartment ng bus nang hindi n’yo nakikita.

Maaaring kunan ng picture ang inyong bagahe para sa mga di inaasahang pangyayari tulad ng pagkawala’t pagkuha ng iba. Itago ang mga bus at luggage ticket bilang patunay,

Kung matutulog man sa biyahe, siguraduhing ang mga valuables tulad ng cell phone at wallet ay naka-secure ay sa inyong bag at hindi madaling mapipitik ng mga mandurukot.

Ang BITAG, nagpapaalala lang. Walang masama sa page-enjoy ngayong holiday pero ‘wag pa ring kalimutang maging listo. Ilang taon na naming krusada ito, nasa BITAG ang babala pero nasa inyo pa rin ang pagiiingat.

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with