Ang Sangley airport, bow

FIVE months ago, hindi ma-imagine ng madlang people ang Sangley Airport d’yan sa Cavite porke halos walang laman ito.

Sabi nga, mga lumang skeletal structures pa lang ang stan­ding here sa Sangley noon.

Bukod pa sa mga baku-bakong mga runway at ang mga kalye sa airport compound.

Naku ha!

Ano ba ito?

Sa ginawang directive ni Boss Digong kamakailan kay DoTr Secretary Art Tugade na paspasan ang construction sa Sangley airport.

Bakit?

Para makatulong ito sa pagluga este mali pag-luwag pala sa NAIA, para ang general aviation at turbo-prop cargo operations para dito na sila sa Sangley airport magsagawa ng kanilang flight operations.

Kaya hayun, 24/7 ang construction sa dating US military air base.

Kaya naman ang utos ni Tugade sa kanyang mga alipin este mali manggagawa pala ay kumuha ng karagdagang manpower at kagamitan para mapabilis ang pagtatayo ng mga karagdagang pasilidad.

O, anong say ninyo? 

After four months of construction, sumasabak na sa ‘operational dry run’ ang Sangley airport.

Sabi nga, mas maaga ito sa itinakdang pamimilipit este mali palugit pala ni Boss Digong na sa November ang target date upang makapaghatid ang paliparan ng general aviation at turboprop cargo operations.

Kumpleto na ang asphalt overlay at clearing ng dulo ng runway, reblocking ng concrete pavement, installation ng dalawang pump kabilang na ang drainage system, konstruksyon ng ramp, at site development kasama ng Portland Cement Concrete Pavement, landscaping at streetlight installations, gayundin ang konstruksyon ng access road, installation ng CCTV Surveillance System, counter, weighing conveyor, meteorological equipment setup, at mobilization ng dalawang modernong fire trucks.

Finishing works na lamang sa ilang bahagi ang hinihintay upang maging 100% complete na ang Sangley airport. 

Sabi nga, oras na mailipat dito ang general aviation at turboprop cargo operations, mas makaluluwag na ang NAIA.

Ayos!

Show comments