^

Punto Mo

Maari bang magkasundo ang mag-asawa na sila’y maghihiwalay na?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Lagi po kaming nagbabangay ng asawa ko at sa tindi ng naging pag-aaway namin isang araw, ipinatawag na kami ng barangay. Nang magharap kami sa barangay, ipinasya naming pareho na maghihiwalay na kaya pumirma po kami ng isang kasunduan na hindi na magsasama at pawang magkakanya-kanya na. Nakalagay rin po sa kasunduan na hindi kami magdedemanda sa isa’t isa sakaling makipag-live in o magpakasal kami sa iba. Noong isang taon pa po namin pinirmahan ang kasunduan at ngayon po ay hindi na po kami nagsasama.

Maari na po ba akong mag-asawang muli gayong may nakasulat nang kasunduan na kami ay maghihiwalay na at pumapayag na kami sa pagsama ng isa’t isa sa iba? --Chris

Dear Chris,

Walang bisa ang pinirmahan n’yong mag-asawa ukol sa inyong paghihiwalay. Mababasa sa Article 1 ng Family Code ang kahalagahan ng kasal sa lipunan kaya hindi ito basta-basta mapapawalang-bisa. Bunsod ng importansya na ito, tanging ang batas lamang ang maaring maging batayan sa lahat ng usapin ukol dito. Ito ang dahilan kung bakit bukod sa usapin ng ari-arian, hindi maaring maging paksa ng isang kasunduan ang anumang aspeto ng isang kasal.

Nakasaad din sa Article 2035 ng Civil Code na hindi maaring pumasok sa isang kasunduan o kompromiso ang sinuman ukol sa bisa ng kasal, legal separation, o ukol sa kapangyarihan ng mga hukuman upang dinggin ang isang kaso. Sa sitwasyon n’yo, hindi lang kayo nagkasundo sa bisa ng kasal ninyong dalawa, nagkasundo rin kayo ukol sa kapangyarihan ng ating mga korte nang magkasundo kayo na hindi n’yo sasampahan ng kaso ang isa’t isa sakaling sumama na kayo sa iba.

Malinaw ang ating batas na hindi basta-basta mapagkakasunduan ang anumang aspeto ng kasal kaya kakailanganin n’yo talagang dumaan sa korte kung gusto n’yong mapawalang-bisa ang inyong kasal.

Sana’y nasagot ko ang iyong katanungan. Paalala lamang na ang payo na nakasaad dito ay base lamang sa inilahad ng sumulat at maaring hindi ito maging angkop sa ibang sitwasyon.

vuukle comment

ASAWA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with