Kambal na nurse, tumulong sa pagluluwal ng kambal na sanggol
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - October 21, 2019 - 12:00am

ISANG pares ng identical twins ang sinalubong ng kapwa nila kambal na mga nurse sa isang ospital sa Georgia.

Kabilang ang 26-anyos na si Tori Howard at ang kanyang twin sister na si Tara Drinkard ng delivery team sa Piedmont Athens Regional Medical Center nang isilang sina Addison at Emma Williams sa pamamagitan ng caesarian section.

Ayon sa hospital, iyon daw ang unang pagkakataon na nagtrabaho sa iisang delivery room ang kambal na sina Tori at Tara kahit ilang beses nang tumulong ang bawat isa sa kanila sa mga panganganak.

Natuwa naman ang mga magulang ng sanggol na sina Brannan at Rebecca Williams sapagkat kambal din ang sumalubong sa kanilang kambal na supling.

Ayon kay Brannan, naging kaibigan na nilang mag-asawa sina Tara at Tori at umaasa sila na balang araw ay makikilala ng kanilang mga anak ang mga kapwa nila kambal na tumulong sa pagluwal sa kanila sa mundo.

NURSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with