Sugar Mommy (179)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - October 19, 2019 - 12:00am

BINUKSAN ni Maia ang maliit na kahon.

At hindi ito makapaniwala sa nakitang isang pares na wedding ring. Saglit na hindi nakapagsalita si Maia. Masayang-masaya siya. Talagang tuloy na ang kasal nila ni Jericho. Wala nang makapipigil pa.

“Gusto mo, Maia?’’

“Oo naman, Jericho. Ang ganda!’’

“Kasi’y kung hindi mo magugustuhan, maaari naman tayong pumili ng iba. Puwede kong papalitan sa kaibigan kong Saudi na may-ari ng jewelry shop sa Batha.’’

“Gusto ko ito, Jericho. Napakaganda! Isusukat ko!’’

Saglit na hindi nakapagsalita si Jericho. Naisip kasi niya ang pamahiin na huwag isukat ang wedding ring. Pero naisukat na nga niya ang para sa kanya nang bilhin ito sa Batha. Wala namang katotohanan ang pamahiin. Ang alam niya, trahe de boda ang masamang isukat dahil hindi natutuloy ang kasal.

“Isusukat ko, Jericho.”

“Sige, Maia.’’

Isinukat ni Maia.

Kasyang-kasya! Parang isinukat sa daliri.

“Ang ganda! Ganito ang gusto ko Jericho.’’

“Hindi ka ba naniniwala sa pamahiin, Maia?’’

“Anong pamahiin?’’

“Kapag daw isinukat ang singsing e hindi natutuloy ang kasal.’’

Nagtawa si Maia at tinapik sa braso si Jericho.

“Wedding gown ang alam kong bawal isuot. Ang wedding ring, hindi.’’

Nakahinga nang maluwag si Jericho.

(Itutuloy)

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with