110 na karo ng patay, inikot ang race track sa south Africa para sa world record
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - October 14, 2019 - 12:00am

MARAMI nang events na isinagawa sa Kyalami Grand Prix sa South Africa ngunit ang pagtitipon na isinagawa roon kamakailan lang ang pinakakakaiba marahil sa lahat.

Nasa 110 na mga karo ng patay ang isa-isang humanay at bumuo ng isang prusisyon na umikot ng isang beses sa 4.58 kilometrong race track.

Ginawa ito upang makapagtala ng bagong world record at mahigitan ang 107 bilang ng mga karo na bumuo rin ng prusisyon sa Netherlands noong 2012.

Bagama’t hindi pa kumpirmado ang bilang ng mga karong lumahok, malaki ang kumpiyansa ng organizers na nakapagtala na sila ng bagong world record.

Inorganisa ng funeral parlors sa South Africa ang kakaibang pagtitipon.

WORLD RECORD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with