^

Punto Mo

Sino ang naghudas kay Albayalde!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

SINO ang makikinabang sa Senate hearing sa lumang isyu na recycling of illegal drugs kung saan nagiba, hindi lang si Philippine National Police chief Gen. Oscar Alba-yalde, kundi pati imahe ng PNP? Walang kasagutan sa Senate hearing ang tanong na ito dahil hindi aamin si Sen. Richard Gordon kung ano ang motibo nila sa paggiba kay Albayalde subalit sa Camp Crame, alam ng mga pulis ang direksiyong patutunguhan nito. Maging si Albayalde ay umamin na kaya siya isinangkot sa ninja cops dahil may kinalaman ito sa kanyang retirement at may suspetsa siya kung sino ang nasa likod ng Senate hearing na gumiba sa ipinundar at tinrabaho niya ng mahigit 17 months sa PNP. “Probably, it has something to do with the person who wants to be the next PNP chief,” ani Albayalde sa interbyu sa CNN Philippines. “They will destroy my reputation, my integrity so that kapag ako ay nag-endorse sa President, that’s a kiss of death already. This is politics pro-bably in our organization,” dagdag pa niya. Araguuyyy! Iginiit pa ni Albayalde na hindi lang mga bagong patrolman ang problema ng PNP kundi maging sa officer’s corps. Hak hak hak! Alam n’yo ba mga kosa kung sino ang pinatatamaan ni Albayalde? Paki-PM lang ako please!
Sa ngayon, ang matunog na papalit kay Albayalde ay sina Lt. Gen. Archie Gamboa, ang deputy chief for operations ng PNP; Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan, ang chief of directorial staff ng PNP, at NCRPO chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar. Si Gamboa at Cascolan ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class ‘86 at kaklase ni Albayalde, samantalang si Eleazar ay sa Class ‘87. Kung sinuman ang mapili kina Gamboa at Cascolan, masasabi ko na history na ito dahil tatlong miyembro ng klase nila ang magiging PNP chief. Nauna na kasi naupo sa PNP si Sen. Bato dela Rosa. Subalit wala akong sinasabi na sina Gamboa, Cascolan at Eleazar ang tinutukoy ni Albayalde na naghudas sa kanya ha? Araguuyyyy! Ang paksa ng usapan sa Camp Crame ay ang Baguio connection kung saan mayor si Benjie Magalong. Kung sabagay, maging si Bato nang magkita kami sa Baguio ng nakalipas na mga araw ay binanggit din ang Baguio connection. Subalit ayaw niyang sabihin kung sinu-sino ang players nito. Araguuyyy! Hak hak hak! Kayo ba mga kosa alam n’yo ang ibig sabihin ng Baguio connection? Paki-PM lang ako please!
Kung sabagay, luma na ang isyu na ipinupukol kay Albayalde, na magreretiro na sa Nobyembre 8. Sa totoo lang, naiumang na itong isyu noon habang malapit nang matapos ang unang extension ni Bato, subalit naisahan ang mga katunggali ni Albayalde ni President Digong na nagpaugong na i-extend na muli si Bato. Subalit bago matapos ang 1st extension ni Bato, pinangalanan ni Digong si Albayalde na next PNP chief kaya naiwang nakanganga ang nag-aambisyon ng puwesto ng PNP chief. At sa ngayon, binuhay na muli ang isyu dahil umugong na i-extend din ni Digong si Albayalde. At ang masama niyan, nagamit pa ang Senado, di ba mga kosa? Hak hak hak! Sa paggiba ng pangalan ni Albayalde tiyak maaapektuhan ang kapabilidad niyang mag-endorse ng papalit sa kanya. At sino ang napupusuan ni Albayalde na next PNP chief? Gen. Eleazar ikaw ba ‘yun? Abangan!

vuukle comment

ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with